Wattpad Original
There are 4 more free parts

Prologue: The Dark Secret

212K 4.8K 3.2K
                                    

Prologue

Five years later...

NARRATOR

"LIGHTS on or lights off?" pag-iiba ni Spade sa usapan. Nasa kabilang linya ito at kausap si Demon na kasalukuyang nagmamaneho.

Namuo naman ang bahagyang ngisi sa labi ni Demon. "Lights on," sagot niya at bahagyang napatawa.

"Gentle or hard?"

"I can do both," muli niyang sagot at hindi talaga mapigil ang gumuguhit na ngisi sa kanyang mga labi na tuwang-tuwa sa kanilang pinag-uusapan. Ganoon pa man, deretso lang ang tingin niya sa kalsada kung saan samu't saring sasakyan ang kaniyang nakikitang dumaraan.

"Sex or chocolates?" natatawang tanong ni Spade sa kabilang linya. Pati si Art ay hindi mapigilang matawa.

Mas lalong lumawak ang nakaukit na ngiti sa labi niya na pati ang mga mata ay naniningkit. Kasabay nito ay ang pag-iling. "Demon prefers sex but Hiro would choose chocolates."

"Who are you then?" seryosong tanong ni Spade matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Demon."

"Whoa!" sabay na saad nina Spade at Art saka humalakhak. Dinig pa ang tunog ng mga palad na pinagtaklob.

"Past or present?"

"Spade! Anong klaseng tanong 'yan?!" inis na bulyaw ni Art sa kabilang linya.

"Question about time!" sagot naman nito. Nagtatalo ang dalawa sa kabilang linya. Mukhang inilayo pa ang telepono upang hindi gaanong marinig ni Demon ang pinag-uusapan.

"Demon? P're?" saad ni Art upang tiyakin kung naroon pa ito sa kabilang linya dahil ilang minuto itong tumahimik.

"I'll be there in five minutes," saad niya at pinatay ang tawag. Tinanggal niya ang suot na earphones. Sinulyapan muna niya ang sementeryong tanaw na tanaw na ng kanyang mapupungay na mga mata, ganoon na rin ang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng isang puntod bago tuluyang patakbuhin nang mabilis ang sasakyan.

UNTI-UNTING bumagal ang kanyang pagmamaneho dahil sa traffic."I wish magbago ka na."

Napahigpit ang kapit niya sa manibela. Napapikit kasabay ng pagbuga ng hangin. Ilang segundo lamang ay napamulat si Demon nang maramdaman ang pamamasa ng kanyang pisngi dulot ng pagpatak ng luha niya. Walang hikbi. Walang hagulgol. Pagluha na walang tunog kaso mas masakit at mas mabigat.

Five years have passed. Kailan ba siya mabubuo? Matapos ang pitong taon? Sampung taon? Hindi siya kailanman mabubuo dahil ikinukulong niya ang kanyang sarili sa nakaraan na dapat ay binibisita niya na lamang.

"I'm sorry, my love. I still love you," wika niya saka pinunasan ang mga luha.

You might think it's corny seeing a guy cry for his girl. But it's real. He's still deeply in love with the person he met five years ago.

TUMIGIL sa tapat ng isang bar si Demon. Tumingin muna siya sa relo bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Tiningnan pa niya ang telepono upang tiyakin kung tama ang lugar na pinuntahan. Nakatayo siya sa isang bar na mukhang sarado. Walang makukulay na ilaw. Walang nakaparadang mga sasakyan. Walang kaingay-ingay sa loob.

"Holdap 'to! Akin na ang pera, wallet, at sasakyan mo!"

Napalingon si Demon sa gilid niya at nakakita ng isang taong nababalutan ang mukha ng itim na tela. Tanging mga mata lamang nito ang nakikita. Bumaba ang tingin ni Demon at may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran niya. Dahan-dahan namang umangat ang tingin niya at tinitigan muli ang holdaper na halos kasintangkad niya lamang.

The Dark Secret (Book 2 of The Devils Hell University)Where stories live. Discover now