Our Pathetic Love Story

7 0 0
                                    

- - - - - -
AUTHOR'S NOTE : Ito ang kauna unahang storya na nagawa 'ko sa wattpad. Isang One Shot Story. Patawarin nyo ako kung hindi nyo magugustuhan dahil hindi ako kasing galing ng ibang sikat na writers dito. I'm just thirteen years old, at wala pa akong alam.
- - - - - -

Our Pathetic Love Story”
(ONESHOT STORY)
written by: anti_manunulat.

Ako si Heji, Heji Salvin.
Isang normal na estudyante. Hindi gaya ng ibang kwento, hindi ako yung tipong pinakamayaman, pinakamatalino, pinakasikat, at pinakagwapong bida sa kwento.

Ako si Heji, Heji Salvin.
Isang normal na estudyante. Hindi gaya –Dahil kapag narinig mo ang 'HEJI' simple lang ang maaalala mo.

Hindi ako, pinakamayaman dahil may kaya lang kami. Hindi ako, pinakamatalino dahil konti lang ang talino ko, pero hindi ako bobo. Hindi ako, pinakasikat dahil hindi ako sipsip. Hindi ako, pinakagwapo dahil masyadong exotic ang kagwapuhan ko.

Hindi ako yung perfect na Prince Charming.

- - - - - -

Malakas ang buhos ng ulan.
Naalala ko tuloy, ang sabi kasi, kapag daw sa Korea umulan ang ibig sabihin non ay may nalulungkot, habang kapag nasa Pilipinas naman daw ay may kumakanta.

Pero hindi ako naniniwala don, nasa panahon yon.

Kaya nga kahit na, gusto kong pasukubin ang ibang estudyante na naalarma dahil sa ulan ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Mahiyain kasi akong tao, kaya nahihiya ako. Maraming mayroong sariling payong, pero meron din namang wala.

"Gosh. Ito yung pinakaayaw ko sa lahat." Sabi ng kasabay kong naglalakad sa hallway. Hindi ko naman sya nilingon, baka isipin nya nakikinig ako sa sinasabi nya.

Hanggang sa hindi pa ako nakakarating sa saking room ay may nakasalubong akong babae. Naagaw nya ang atensyon ko. Medyo basa ang kanyang maikling buhok, dahil siguro sa ulan. Cool syang naglalakad, habang malamig na nakatigin ng diretsyo sa daan. Hindi ko alam pero, kinabahan ako.

"Heji!"

Napaiwas ako ng tingin. Nakita ko si Charmy na kumakaway sakin, ngumiti ako at tumakbo papalapit sa kanya, nasa labas na sya ng room namin.

"Si Seayo, yung nakasalubong mo." Kunot na nilingon ko sya. "Classmate natin yan, nagtransferee sya kahapon. Absent ka kasi,"

Wala na akong ibang nasabi kundi, "Ah." Sabay kaming umupo sa pinakadulong raw. Mayroong hindi pamilyar na bag akong nakita sa kabilang raw, siguro bag iyon ni Seayo. Pero, bakit nakasalubong ko sya?

"May iniisip ka?" Mahinang tanong sakin ni Charmy habang nagdi-discuss ang Adviser namin sa unahan.

Mabilis akong umiling. "Wala, hindi naman gano'n kaimportante."

Ilang minuto lang ang lumipas ng nagpasulat na ang Adviser namin, kasabay naman non ang pagpasok ng babae sa classroom. Si Seayo. "Jusko, Kang. Napakakupad mo namang kumilos, ang lapit lapit lang ng faculty!" Dismayadong sabi ni Sir Gery.

Hindi nagsalita si Seayo. Nakatayo lang sya, at parang walang pakielam sa sinasabi ni Sir sa kanya.

"Dalawang araw pa naman sya dito, hindi pa nya alam ang faculty room."

"Tumahimik ka dyan, Heji." Tinikom ko ang bibig ko sa sinabi ni Charmy.

KRING KRING!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Pathetic Love StoryWhere stories live. Discover now