From The Darkness To Light | My Testimony

26 2 0
                                    

Isa lang akong simpleng babae at estudyante na mayroong matataas na pangarap sa buhay. Pero...

NOON

   Napakagulo ng buhay ko. Mura don mura dito. Dabog don dabog dito. Isa akong pasaway na estudyante at anak. Ako yung taong sobrang sadista at sakit magsalita.

  Lahat naiinis sakin. Mayabang daw ako, maarte, at makakairitang babae.

   Nung nag-open forum kami noon. Dun ko nalaman na ang dami palang galit sakin. Napaiyak nalang ako. Hindi ko mapigilan. Ang dami.... sobrang dami nila na nagsabi o nagsulat na mayabang, maarte, mataray, at kung ano-ano pa! Nasaktan ako kasi 'ako pa ba to?' tanong ko sa sarili ko.

   Bakit ganon? Hindi naman ako ganito dati ah? Anong nangyari? Anong ginawa ko? Bakit parang ang turing sakin ng nakararami masamang tao.

   Oo, naging sobrang sama ako. Nakikipag-away ako sa lalaki o babae, Mainitin ang ulo, iritable, moody, sa mga kaibigan ko lang dun lang ako mabait, Kill joy din ako. Oo, TOTOO!

   One time nung nagkaroon kami ng filled trip. Nagreklamo yung jeepney driver namin dahil yung speaker sa ilalim ng upuan nagkaroon ng tama o sira. Dahil dun kasi sa mga kaklase ko na puro landian ang alam. Nakakabtrip eh! Meron kasing isang babae don na parang ewan! Nababastos na siya GO PARIN! Hayy. Kaya nung uwian na nagsalita ako ng pasigaw. Badtrip na ko eh. Sabi ko. 'Wag daw kayong magulo! Yung speaker daw kasi jan nasira niyo na.' Sigaw ko ng ganon sa kanila. That time nanahimik sila kaya naging awkward sa loob feeling ko ako yung may kasalanan ng pananahimik nila. Kasi nabulyawan sila. BarKada kasi sila.

   Although ako naman talaga ang may kasalanan.

   Yung crush ko nagalit din sakin nung tinext ko siya na tinatanong kung papasok ba siya. Pinapatext kasi nung babae na sinasabi ko. Go naman ako para itext siya syempre kailangan bumawi ako di ba?

   Kaso nagalit siya. Nireplayan niya ko ng 'kill joy ka dre! wag mo na kong itetext!' mahaba yun! Yaan lang yung naalala ko. Tapos nagpaliwanag ako sa kaniya at nagsorry.

  Doon ko mas narealize na hindi na talaga ako to! Hindi ako ganto! Sabi ko sa sarili ko.

   Alam niyo ba? Dati naiingit ako sa tatay ko na katoliko kasi siya secretary at laging nasa simbahan. Sabi ko sa langit to mapupunta. Buti pa siya nakaligtas! Sabi kong ganon pero buhay pa tatay ko hanggang ngayon ah? Baka na misunderstood kayo eh. HAHAHAHA.

  Tapos sabi ko 'Papa Jesus tulungan niyo po ako. Kailangan alam ko ang mali. Pipiliin ko lang yung tama sa mali.' sabi ko sa sarili ko nung bata pa ko. Kailangan magpakabait ako.

   Kaso nung lumaki na ko mas lalong lumalala ako eh. Hanggang kahit sa ate ko minumura ko na siya. Basta wala akong pakialam sa nararamdaman nila. Ang mahalaga yung sa akin. Oo, Selfish akong tao. NOON!

   Hanggang sa nagrebelde ako sa Diyos! Sabi ko mabubuhay ako sa paraang gusto ko. Sa kamay ko iikot ang mundo ko. Ako ang magpapatakbo nito. Kahit walang Diyos sa buhay ko mabubuhay ako. Makakain lang ako ng tatlong beses isang araw. Okay na. Nagawa ko lang yung gusto ko OKAY NA! SAPAT NA YON PARA SA AKIN.

   That's why kaya naging mas msama ako. Dahil ako mismo tinanggalan ko ng karapatan ang Diyos sa buhay ko. Sabi ko pa nga... 'Mabubuhay ako kahit wala kayo.' Sabi kong ganon!

  Grabe! Kinikilabutan ako readers habang tinatype to! Takot na ko kay Lord ngayon eh.

   Hanggang dumating nga sa taon na kinamuhian ako ng mga kaklase ko. Yung sinabi ko sa inyo sa taas?

   Iyon yung hindi ko na makilalang ako. Naging palasagot pa ko. Lagi akong napapalo, nakukurot ng nanay ko sa sobrang tigas ng ulo ko. Walis tingting, tambo, sinturon lahat! Grabe kahit kahoy. Sakit lang! Di daw ba ko nahihiya? Dalaga na ko napapalo pa ko? Hayy. Nasa maling daan talaga ako noon eh.

   Si satan ilang taon ding namahala sa buhay ko. Kaya napariwara ako. Pero never akong nagboyfriend ah. Papansin lang ako pero di ako pumapasok sa mga ganong relasyon. Bata pa ko eh. Tsaka na!

   Pag-okay na ang lahat.

  Yung ako NOON na hindi niyo pangangaraping makilala.

  Nagpakain ako sa galit, poot, sama ng loob. Kaya naging miserable ang buhay ko. Tapos wala pang Jesus sa buhay ko. Kaya halos impyerno na ang buhay ko.

-Mahirap talaga pag walang JESUS!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From The Darkness To Light | My TestimonyWhere stories live. Discover now