MePoFa: 1

642 33 13
                                    

"Bulag ka ba nakita mong dadaan ang tao ilalagay mo pa yang bag mo sa daan." inis na sita ko sa batang nakaharang sa daraanan ko. Nag excuse lang ako kay Ma'am Astrid kanina kasi nawiwi na ako, tapos itong batang nasa harap ko nakaharang ba naman sa hallway naghuhukay ng bag nya. Anliit pa naman ng hallway papuntang banyo.

"Hoy bata narinig mo ba ako?" ulit ko. Nawiwi na talaga ako.

"....."

Kinublit ko sya kasi hindi sumasagot. "Tabi ka muna, padaan ako. Mamaya na yan."

"......"

Bingi ba sya? Sabi kasi ni mama yong taong hindi sumasagot pag kinakausap bingi. Nasa grade three palang ako pero alam ko na kasi palagi akong pinapangaralan ng mama ko.

Kinublit ko ulit sya ng ilang beses. Humarap naman sya, malaki ang mata nya, hindi katulad ko na singkit.

Umaksyon ako. Kumaway muna ako. Parang 'hello', tapos tinuro ko ang likod nya, tapos pinagsalikop ko ang palad ko at sinenyas paabante, tinuro ko ang bag nya at sinenyas na itabi kasi dadaan ako.

Akala ko naintindihan nya, pero nakatingin lang din sya sakin na hindi kumukurap. Naisip ko baka bulag.

Kinaway ko ang kamay ko sa harap nya hindi ito kumurap. Kawawa naman siguro kasing edad ko lang sya, bingi na nga bulag pa.

Lalo akong naihi. Pinagkrus ko ang binti ko para pigilan ang nararamdaman ko.

"Bata naman tumabi ka muna." halos mangiyak ngiyak na sabi ko. "Naiihi na talaga ako."

Tapos nakita ko syang kumurap.

"Bulag ka ba o bingi?"

"....."

"Ano ba!"

Kumilos ito at tinabi ang bag nya.

Tumakbo ako papuntang banyo pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay may naramdaman akong mainit sa binti ko. Hala, hindi nakaabot ng banyo, nawiwi na ako.

Napatingin ako sa likod ko. Nakita ko ang batang nakaharang kanina nakatingin din.. sa palda ko, tapos nagtaas sya ng tingin sakin..

at..

ngumiti. Tumakbo ako sa banyo. Naiyak naman ako at nagkulong sa banyo.

Grade three na ako tapos naihi pa ako sa palda ko. Siguradong mapapagalitan ako ni mama nito. Nakakahiya may nakakita pa.

Yong bata naman kasi na yon haharang harang sa daanan ko,kasalanan nya tapos pagtatawanan nya pa ako. Nakakainis sya. Hindi ko sya bati. Ayoko syang kaibigan. Naglupasay ako sa banyo at umiyak ng umiyak..

Ten years Later

"Do KyungSoo!"

Nilapitan ko ang tinawag ko. Nagkukuskos sya ng painbrush sa pader. Dahil late kami sa first class kanina binigyan kami ng parusa, mag paint ng pader ng school na puno ng vandal ng mga estudyante.

Wala akong nakuhang reaksyon sa lalaking tinawag ko kaya nilapitan ko sya at inakbayan. Kaklase ko sya, parehas kaming late, kaming dalawa lang kaya ito ang parusa namin.

"Hoy, squishy bilis bilisan mo jan at baka abutan tayo ng syam syam, gusto ko pang pumasok ng second period, ayokong ma miss ang klase ni Sir SongJun."

Tinanggal nya ang pagkaakbay ko sa kanya at tinignan ako ng masama.

Sinutok ko ang dibdib nya kaya napaubo ito. "Aangal ka?!"

Exo: Mean? LeiNa is the Name,Dyo is her GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon