her life in a hole

15 5 3
                                    

"Good morning! Good morning! It's time to wake up."

"Good morning! Good morning! It's time to wake up."

Iminulat ko ang mga mata sa narinig. Mukha ba akong natulog?

Gabi gabi, lagi na lang ganito. Kahit gusto mong kalimutan ang lahat at matulog na lang, hindi mo magawa. Hindi mo maiwasang mag-alala, hindi mo mapigilang mag-isip, hindi mo maalis ang mga agam-agam. At sa pagsapit ng umaga, kahit gusto mong kumilos, hindi mo pa rin magawa dahil ramdam mo ang kawalan ng paki sa lahat ng bagay sa paligid mo at ang gusto mo na lang ay ang matulog. Ang gulo mas'yado. Hindi lang ang sarili ko, pati na rin ang buhay ko.

Isang linggo na ang nakaraan pero hindi pa rin ako sanay.

Ewan ko ba pero napapaisip ako sa mga nangyari.

Bakit pa nila kaylangang itago ang tungkol sa kaniya?

**

"Hon, akala ko ba bibilhan mo ng libro si Charlotte?" Kumuha ako nang maiinom sa may kusina nang madinig ko sila Mom na may pinaguusapan sa 'di kalayuan. May kung ano'ng nag-udyok sa'king pakinggang sila kaya pumuwesto ako sa hindi nila gaanong mapapansin.

"Ibinili ko nga siya, bakit?" Nagtataka namang tanong ni Daddy sa kaniya.

Sino ba si Charlotte?

"E' bakit si Kelly ang may hawak ng libro!?"

"Ah, baka nakita niya 'yon sa loob ng bag ko. Kay Charlotte talaga 'yon. Baka iyon ang akala ni Kelly na surpresa natin sa kaniya."

"Kung ba't kasi pinangakuan mo pa ng surpresa iyang batang yan!"

"Bakit? Hindi ba 'yon surpresa para sa birthday niya? nila? Ipakikilala na natin siya sa kakambal niya. Makikilala na niya si Charlotte." Nabitawan ko ang basong hawak hawak ko sa narinig.

**

Akala ko wala nang mas lulungkot pa sa mga nakaraang kaarawan ko..

18 years kong hindi nakasama sila mommy at daddy tapos malalaman kong may kapatid ako?

Habang masaya sila rito, araw-araw ko namang tinitiis ang  kalungkutan at pag-iisa.

Para kay mamita, wala na akong nagawang tama. Para sa kaniya, napakainutil ko.

**

"Mamita, aalis na ho ako." paalam ng pinsan kong si Christiana sa kaniya. Pupunta na kasi siya sa maynila para doon mag-kolehiyo. "O, Kelly, alagaan mo si mamita ha. Matanda na 'yan. Wag mo ng bigyan pa ng sakit sa ulo." Bilin niya.

"Oo-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang niyakap ni Mamita si Christiana.

"Mag-iingat ka doon ha? 'Wag mong pababayaan 'yang sarili mo. Mag-aral ka ng mabuti para maging isang accountant ka kapag natapos mo ang pag-aaral mo. Huwag kang gagaya dyan sa pinsan mong si Kelly dahil wala namang mararating sa buhay 'yan."

"Mamita naman." sita ni Christiana sa kaniya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo hija. O sige na, lumakad ka na at baka maiwan ka pa ng bus." Aniya at saka bumaling sa akin. "Kelly, ihatid mo na itong pinsan mo sa terminal at dumaan ka na rin sa palengke, bilhin mo itong mga nakalista rito." Abot niya sa akin ng listahan.

Life In A Lonely Dark PlaceWhere stories live. Discover now