🍃WELCOME!🍃

4.8K 232 49
                                    

Hello fellow editors♥ Finally, nakagawa din ako ng tutorial book. Actually matagal ko ng gustong magpublish para makatulong sa mga editors na kasisimula palang sa editing world (lol) ang kaso nahihirapan kasi talaga ako mag upload ng files sa wattpad. Ang tanging sulosyun lang pala ay ang mag remove ng stories sa library ko. [Sobrang dami na kasi noon at puro graphic tutorial, contest, resources, etc ang laman] kaya siguro nabibigatan na sa storage ang wattpad app ko at ayaw ng makaupload. At now na kunting books nalang ang nasa library ko, medyo mabilis na akong makapost ng pictures,.

Okay okay so much for that, tungkol saan nga ba ang tutorial na ito?

From the title itself, this is a graphic tutorial for IBISPAINTX. Karamihan kasi ngayon, nag move-on na kay picsart at gumagamit na ng ibispaintx. Bakit?

Well, this is my own reason kung bakit ibispaint narin ang ginagamit ko.

Una, mas madaming brushes ang pwede mong magamit and I really like it when making neon covers. [May ads ngalang bago magamit ang ibang brush pero ilang seconds lang naman at pwede mo na siyang magamit ng 18 hours]👍

Pangalawa, I always have this issue in picsart na parati akong anxious sa pageedit dahil baka bigla siyang magcorrupt o mag error at BOOM! nawala yung enedit mo, back to start ka kung kaylan patapos kana. Frustrating right? Unlike sa ibispaint, kung mag error siya babalik parin sa recent mong nagawa👍

Pangatlo, TAMAD AKONG EDITOR. Yes, Ang gusto ko talaga sa ibispaint ay naiikot mo yung canvas at hindi ako ambidextrous lol, I mean naranasan niyo nabang mag erase sa right side ng png sa picsart [if right handed ka] at komportable ka pero nangawit ka pagdating sa left side dahil hindi ka komportable? Well kung ako lang ang ganun kaya nga sinasabi kong tamad akong editor.

Pangapat, wagas makakain ng storage si picsart😥 Pag nakasave sa drawing draft mo yung enedit mo, halos umabot ng 400MB yung isa. unlike ibispaint, pagnaka draft siya sa gallery mo, hindi masyadong malaki ang storage.

Panglima, madaming layer sa ibispaint kahit umabot kpa ng 20 layers. Medyo nagsloslow ngalang.

Panganim, may mga tools na bet ko talaga. Ang ganda ng blur tool effect sa ibispaint unlike sa picsart sinisira lang ang edges ng png😥 Ewan ko din kung may smudge at clipping tool sa picsart pero maganda siyang gamitin sa ibispaint.

Pangpito, sa ibispaint may unli UNDO lol, pansin ko kasi sa picsart ilang beses kalang makakapress ng undo. May mga cases kasi akong hindi napansin na may nabura pala akong part ng png pero hindi ko na mabalikan dahil malayo na pala ang nilakbay ko😏 so sa ibispaint nababalikan ko pa kahit sa simula ng relasyon namin. Megesh!😥

-

Yun lang, sinadya kong pito para lucky 7, got7 HAHA eneway, hindi ko naman sinasabi na ang pangit ng picsart dahil madami din siyang naiooffer at salute ako sa matatag ang relasyon kay picsart. May mga senpai editor pa nga dyan na sobrang galing mag edit kahit picsart lang ang gamit. Ehem! Like unnie Suhoberrie👍
Pero ang pinaka gusto ko sa picsart ay may beautify tools at may lens flare at glitter brushes, well meron din namang glitter brushes sa ibispaint pero mas makinang ang sa picsart.

Teka, review ang ginagawa ko sa dalawang app ha at hindi discrimination😂

Anyway, sana makatulong ang tutorial book na ito para sa mga editor na magbabalak gumamit ng ibispaint. At warning nga pala, hindi ako yung tipong expert sa ibispaint na alam lahat ng tools. Basic lang ang alam ko na makakatulong sa pag EDIT dahil una sa lahat, ang ibispaint ay para talaga sa paggawa ng digital drawing/art at hindi sa pag eedit. Kaya wag kang malula sa dami ng tools, ang importante lang ang aalamin natin para makagawa ng covers gaya ko. Decent covers naman ang nagagawa ko diba? So yung ganung level lang talaga ng editing ang maituturo ko pasensya na😥

WELL ANG DAMI KONG SATSAT KAYA SORRY✌

---

PS, PS, I'M TRYING TO TRANSLATE THIS TUTORIAL TO ENGLISH BECAUSE SOME ARE REQUESTING FOR IT. SO PLEASE BEAR WITH THE GRAMMAR! ALWAYS REMEMBER THAT THIS IS A GRAPHIC TUTORIAL NOT AN ENGLISH LANGUAGE TUTORIAL. I'M TRYING TO MAKE IT CONVENIENT TO THOSE WHO CAN'T UNDERSTAND TAGALOG.

BDW, I WILL ONLY TRANSLATE IT IF I HAVE SOME SPARE TIME BECAUSE RIGHT NOW, I HAVE LOT OF PENDING COVERS TO MAKE. THANKS FOR UNDERSANDING♥♥

MAÑANA :: A Graphic Tutorial√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon