One shot.

18 2 0
                                    

--

Papasok nanaman ako at makikita ko naman ang pagmumukha niya. Ang lalakeng laging nagpapainit ng ulo ko---si Josh. Hindi yata kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya naaasar at hindi rin kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ako nabubu-bwesit. Ayaw ko sakanya at ayaw niya rin sakin, ganun lang.

As usaul, nasa pintuan palang ako ng classroom namin nakita ko na siya. Suot suot niya parin ang mayabang niyang ngisi na gustong gusto kong burahin pero hindi ko magawa. Naglakad ako at sinadya kong dumaan sa harap niya at binangga ang kanang balikat niya tapos ay nagkunwari akong nagulat sabay sabing "Uy nandyan ka pala! Akala ko kasi poste eh hehehe." Pero ganun na lamang ang inis ko nang ngitian niya ako sabay sabing "Ang sabihin mo nagpapansin ka lang saakin. But sorry to tell you Ms. Park pero hindi kita type."

Nagtawanan ang mga nakarinig at ako naman ay inis na umupo sa tabi ng mga kaibigan ko na tumatawa rin. Marahil ay narining nila ang sinabi ng mukong na 'yun, tsk! Makakaganti rin ako sayo!

Lumipas ang dalawang subject na inaasar niya ako kaya 4 hours rin mainit ang ulo ko. Gigil na gigil ako sa gagong yun at gustong gusto ko na siyang gantihan. Pagkalabas ng teacher namin ay linapitan ko siya.

"Hoy pangit!" gigil kong duro sakanya. Nakangisi naman siyang tumingin saakin kahit halos tusukin ko na ng daliri ko ang mata niya. Nakakinis talaga ang lalakeng 'to! Kahit ano ang gawin ko hindi pa rin nabubura ang ngisi sa mukha niya, bwesit!

"Nag salita ang maganda." Pigil na tawang sabi niya. Nanlaki ang mata ko at mas lalong nag-init ang mukha ko--dahil sa hiya at inis.

"BAKLA KA BA?!" Sigaw ko at hindi makapaniwalang nakatingin sakanya. Pansin ko ang medyo pagkagulat sa mukha niya pero agad niyang itinago at ngumisi.

"HELL NO! Sino nagsabing bakla ako?! Gusto mo lang yatang halikan kita eh." natatawa niyang sagot. Tahimik lang ang buong klase at nasa amin ang buong atensyon nila. Alam kong sanay na sanay na sila sa awayan namin pero mukhang natutuwa pa rin sila kapag pinapanood kaming nagtatalo.

"Gago! Ingudngod ko yang nguso mo sa sahig eh. Bwesit! Maka alis na nga! BAKLA!" sigaw ko at inirapan siya. Nilingon ko ang mga kaibigan ko na natatawa bago dumiretso palabas. Alam kong susunod sila saakin.

Bago pa ako makalayo sa room ay narinig ko pa ang malakas na pang-aasar samin ng mga kaklase namin.

"THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE! AYIIIE," napailing nalang ako sa sinabi nila.

Inis pa rin akong bumalik sa room kasama ang mga kaibigan ko. Makikita ko nanaman ang pagmumukha ng lalakeng 'yun. Hayyy badtrip. Ilang sandali pa ay pumasok ang next teacher namin which is si Ms. Ferez.

Nagsimula siyang magdisscuss at tahimik naman akong nakikinig. Buti nalang talaga at hindi ako ginugulo ng bwesit na Josh na yan dahil wala ako sa mood para makipag away.

"Aray!" daing ko nang may tumama sa ulo ko. Actually hindi naman masakit pero trip ko lang talagang dumaing. Tinignan ko yung papel na napunta sa arm chair ko. Lumingon ako sa likuran dahil nandun ang pwesto nina Josh pero nakita ko siyang seryosong nakikinig. Ibabalik ko sana ang paningin ko kay Teacher pero nahalata ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Patay ka sakin bakla ka!"

Kinuha ko yung notebook ni Sam (isa sa mga kaibigan ko) at pumunit ng sampo. Binilog ko ang papel at nakangising tumingin sa likuran. Kunwari ay seryoso pa ring nakikinig si Josh. Tsk! Bakla talaga. Buong lakas kong ibinato sakanya ang papel at tumawa ng malakas. Sapol sa mukha ang bakla. Napatingin siya saakin at tinignan ako ng masama. Magpapatalo ba ako? Sempre hindi! Kaya tinignan ko rin siya ng mas masama. Pinulot niya ang papel at ibinato rin sakin. Buti nalang at nakaiwas ako. Tumayo ako at pinulot rin ang papel at ibinato ulit sakanya. Napatayo rin siya bago pinulot ang papel at ibinato rin saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The more you Hate, the more you Love. (One Shot)Where stories live. Discover now