Passed is past.

7 0 0
                                    










"Alexis! You're here!" Niyakap ako ni Aron with a drink on his hand. Kakauwi ko lang galing states and naisipan nilang magkaron ng welcome party for me pero kanina pa nila sinimulan. Haynako, mga lalake nga naman.


Naglakad ako papasok ng bar na nirent nila for a day just for the party. Ang laki ng place pero kami kami lang naman ang nandito. Mahihilig magtapon ng pera tch tch...


"Finally! Our baby girl!" Lumayo ako ng bahagya kay Bry. Ugh, here he goes again. Drunk


"And hello to you too, Bry the drunkard." Nagtawanan ang mga nasa likod niya.


"Arlo, Coco and Kaylen." Nginitian ko sila ng sobrang lawak. Isa-isa nila akong niyakap at grineet.





I know what y'all thinking. Alexis, hndi ba mga lalakeng pangalan yun? OMG! You're one of the boys? Hm... Yeah, apparently that's true. I'm their baby girl. And I like it this way, kesa naman sa ibang girls na nagsisiraan behind their backs. Don't get me wrong ha, hindi ko naman nilalahat and I have girl friends din naman kaso, they're all busy with their boyfriends.


I know, wala akong boyfriend. Oh wait, let me rephrase that. Wala NA...


I roamed around to mingle with some of the guests until I saw myself stumble upon him.





My ex-boyfriend, Kris.





"Alexis! I missed you baby girl!"


Nilapitan ko si Drei ng batiin niya ako. You thought Kris greeted me? No. After we broke up, hindi na ulit kami nagkita at nagkausap. I decided na dumiretso na sa states after what happened. Ayaw ko kasing magkaron ng tension between us and magkaron ng awkward moments lalo na at iisa lang kami ng group of friends. I don't want them to suffer just because of the stupid love-thingy between the two of us.


Nang maalala ni Drei na kasama niya si Kris, he signaled na kukuha muna siya ng beer. Which is, also telling us to talk.


See, what I was talking about? Awkward.


I awkwardly held my bottled beer tight saka sumandal sa pader sa gilid ko. Nasa may loob na part kami ng bar kaya wala masyadong tao, meaning mukhang place talaga namin 'to. Great, ang galing naman.


Naramdaman ko siyang kumilos papalapit sa part ko.





"Uhm...so, you're back?"


Ngumiti ako sakanya at tumango tango.


"For good?" Napaangat ang tingin ko sakanya, at dahan dahang umiling. I know where this is going.


"I just visited. And also, for vacation. 1 month." I tried my best para iiwas ang tingin ko sakanya pero dumaan padin ang mata ko sa disappointed niyang expression.


"Alex...I'm sorry."


Napapikit ako. Don't...Please, don't.


"Alam kong mali ako. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Hindi ko inisip ang mga posibleng mangyari. Forgive me, Alex. Please..."


This is what I'm scared of. Ito yung ayaw kong mangyari...


"Alexis..." Lumapit siya sa'kin at akmang hahawakan ang kamay ko pero inilayo ko. Kinapa ko ang kahon ng sigarilyo sa bulsa ko at sumindi ng isa.


"Kris." Nakita kong iniangat niya ang mukha niya para magtama ang mga mata namin. I saw a hint of frustration and hope in his eyes. And it's scary...It's f*ckin' scary to look at it lalo na't alam mong mapupuno din yun ng sakit at disappointment.


"Tama na..."


I was scared to look away dahil baka kapag nag-tama ulit ang mga mata namin makita ko ang sakit na ginawa ko.


I stared at him for a solid minute pero hindi ko nakita ang inaasahan ko.


"Paano kung...ibalik nalang natin yung dati? Yung mga panahong masaya tayo at walang problema."


This time, mas pinili ko nalang umiwas ng tingin dahil sa narinig ko.


"Dati? Alam mo naman kung anong nangyari dati, Kris." Narinig ko siyang bumuntong-hininga.


"Nung ako yung bumalik, ikaw yung nawala. Ngayong ikaw naman...ano sa tingin mo?" I said as I puffed on my cigar.


I hate myself for being like this. But I can't blame myself for becoming like this.


Then I heard soft and silent sobs.


Noon, hindi ko alam kung ano bang pakiramdam ng may masaktan. All my life ako lang palagi ang nasasaktan kaya nasanay ako sa sakit...








Pero, wala naman nagsabi sa'kin na...








....mas masakit palang may masaktan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past has passedWhere stories live. Discover now