First Love

8.6K 133 35
                                    


Kathy Basco

Hi, ako nga pala si Kathy Basco, isang fourth year high school student sa Cloud Cross University. Mahilig ako sa comics at pakiramdam ko parang Itazura na Kiss ang peg na buhay pag-ibig ko.

Except for the part na may gusto na din yung bidang lalake sa bidang babae. Hindi kase ako gusto ng crush ko kahit na pitong taon ko na siyang kaklase.

Masyado kaseng popular si Ethan Perilla.

Pero kahit na ganun, mabait, gentleman at sobrang marespeto sa kapwa niya. Halos nga lahat ng classmates namin, kaclose siya – maliban sa isa.

Ako yun.

Close din si Ethan sa bestfriend kong si Lia at sa boyfriend niyang si Paulo.

"Try mo kaseng kausapin, hindi yung nakatitig ka lang sa kanya." Nahulog naman ako sa upuan ko ng magulat ako. Hobby kase ni Lia ang gulatin ako lalo na kapag tinitignan ko si Ethan.

Ang gwapo kase niya, ang ganda pa ng boses. Saan ka pa di ba?

"Not gonna happen." Sabi ko lang sa kanya, ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang kausapin si Ethan.

Paano ko naman kase uumpisahan ang pakikipag-usap sa kanya kung isang salita palang ang nasasabi ko namimilipit na ako sa ihi dahil sa sobrang kaba.

Totoo naman kaseng nakakababa ng self-esteem tong si Ethan. Don't get me wrong, maganda naman ako, pero alam ko naman ilugar tong gandang meron ako. Hindi ako pang-level ni Song Hye Kyo kaya hindi ko rin deserve ang mala-Song Joong Ki na kagwapuhan nitong si Ethan.

"Kausapin mo na kase, wala naman mawawala sayo. Sige ka, mamaya maunahan ka nanaman." Sabi niya pa sa akin pero hindi ko siya pinansin, nag-ayos na lang ako ng gamit dahil any minute magriring na ang bell para sa first period namin.

-

"Kathy Basco!" Tumabi sa akin si Lia at nginitian ako. Yung totoo? Wala bang tenga si Paulo para hindi mabingi sa lakas ng boses ng jowa niya?

"Ano nanaman kailangan mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Good news is coming!" Sabi niya at nakita kong papasok ng class room namin si Ms. Ricardo, ang homeroom adviser namin.

"Ethan please distribute these waivers for the Acquaintance Ball." Sabi niya pa at binigay yung mga papel kay Ethan – siya kase yung class president namin.

"Make sure to remind your parents about this ball. Your reply slip shall be submitted tomorrow before lunch, understood?" Tanong niya pa sa amin at sabay sabay kaming sumagot.

"Kathyyy~" Pagtawag pa ni Lia sa pangalan ko habang binibigyan ako ng waiver.

"I'm not coming Lia." Sabi ko sa kanya. Ano naman kasing gagawin ko doon, di ba? Mag-isa lang ako kung pupunta ako kaya hindi nalang! Hindi pa ako baliw para mag-solo sa mga ganung events.

"Ready ka na bang maging date si Ethan Perilla?" Tanong niya pa sa akin, napasapo naman ako ng noo. So hindi pala siya nakikinig sa sinasabi ko.

"Asa pa ako, Lia." Sabi ko naman sa kanya. Tinago ko nalang yung waiver sa bag ko at inayos na yung mga gagamitin kong libro para sa next subject.

"Pustahan nalang tayo o." Alok niya pa sa akin sabay labas ng wallet niya.

"No thanks." Sagot ko sa kanya sabay kuha ng wallet niya at binalik iyon sa bag niya.

"Fine! No money involve! Just hear me out." Suhestyon niya pa, tinignan ko naman siya at handang makinig sa sasabihin niya.

"Kapag napapayag ko si Ethan na maging date ka within the week, sasama ka sa amin mag-subic ni Paulo." Sabi niya sa akin.

First LoveWhere stories live. Discover now