PROLOGUE

236K 4.3K 374
                                    

It was a normal day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It was a normal day. The bell rang indicating it was lunch time already. Lumabas kami ng silid at tinahak ang daan tungo sa cafeteria para makakain. It was quiet. If not for my bestfriend running her mouth, talking about something I really don't want to hear.

"Naalala mo pa ba 'yon? 'Yong sinurpresa ka ni Jason pero binasted mo?" Natatawa niyang asar kaya binatukan ko. Sinamaan ko pa siya ng tingin na ikinangisi lang nito.

Pinaalala pa man daw. Ayaw ko nang maalala 'yong araw na iyon, nagiguilty ako sa gina—

Nahinto ako sa pag-iisip nang may bigla nalang bumunggo sa akin. Sa lakas ng pagkakabangga ay bumagsak pa ako sa daan.

"Oh, my gosh, Bessie!" tarantang anas ni Lyla at linapitan ako na nakaupo sa sahig.

May bumangga sa akin na nilalang na kala mo naman ang liit ng daan.

"Tsk. Paharang harang kasi, eh." rinig kong sambit ng isang bagot na boses ng lalaki sa harapan ko. Dahil doon ay nainis ako kaya tumayo ako at hinarap siya at wala sa sariling napatingala.

Geh!! Stiff neck lang? Ang taas niya eh. Kapre!

"Hoy, lalaking kapre!" sigaw ko at dinuro siya. "Ang laki naman ng hallway, ah! Ba't dito mo pa kailangan dumaan sa dinadaanan namin!?"

"Bessie. . . tama na 'yan.." awat sa akin ni Lyla. Hinihila pa nito ang braso ko pero 'di ako papaawat sa kapre na 'to.

"Malabo ba paningin mo kaya 'di mo kami nakita? O sadyang naliliitan ka lang sa amin, ha, kapre!?" sigaw ko at bahagya ko pa siyang itinulak.

Pero ang kapre na 'to na kala mo naman gwapo, eh, nakangisi lang na tila nag-e-enjoy pa sa nangyayari. He was staring down at me which really irks the hell out of me. Sa inis ko ay sinampal ko siya ng ubod ng lakas.

Kala mo, ah. Ano ka ngayon?

"Woah! Dude!" tawanan at kantiyawan ng ibang lalaking kasama niya. Noon ko lang din napansin na madami palang nakatingin sa nangyayari.

Pero, paki ko ba?

"Sinampal ka!" Sigaw ng isa sa kasama niya. Nakapamulsa pa itong lumapit na sa akin.

Napaatras naman ako ng isang hakbang dahil sa pagkailang sa sobrang lapit niya.

"Bagay lang 'yon sa kanya. . ." giit ko.

Ngumisi naman ito saka itinaas ang isang kamay. Binalak nitong hawakan ako sa braso na kaagad kong ikinaiwas pero ikinagulat ko nang may humawak sa kamay niya mula sa likod.

"Ackk!!" Daing niya nang biglang pilipitin ni Kapre ang kamay nito.

Muli akong napaatras. Natakot at kinabahan sa istura niyang parang mangangain ng tao kapag nagkamali ka ng galaw. Halaaaaa! Katakot nito! Baka ma-engkanto akoooooo!!

"DON'T TOUCH HER." seryoso niyang wika saka itinulak ang lalaki. Hinarap niya din ako nang nakangisi pa rin.

Napalunok lang ako ng laway dahil sa kaba at napaatras na din ng isang hakbang dahil sobrang lapit niya.

Hooo! Maling galaw lang magkakahalikan na kami ng kapre na 'to.

"And, what were you saying again?" tanong niya. Noon ko lang din ulit naalala ang nangyayari.

Pero nainis ako lalo sa nakakaasar na boses niya at sa nakakairitang ngising sumilay sa labi niya. Bakit kasi ang gwapo ng kapre na 'to, oh!

"Ang sabi ko, ang laki mong tao pero 'di mo nakita ang tulad namin! Bulag at binging, KAPRE!" bulyaw ko.

"Really? Sino ba ang mas bulag sa atin, kung ikaw na mismo nagsabing malaking tao ako. Dapat ikaw na ang umiwas, DWENDE!" balik niya na agad namang kinantiyawan ng mga kasama niya.

Naramdaman ko naman agad ang pag-init ng nga pisngi ko sa sinabi niya. Takte binabara ako ng isang 'to, oh. . .!

Pero may punto nga naman siya doon. Pero. . .

Naiinis pa din ako sa kanya! Kaurat talaga nito, nakakagigil!

"Langya kang Kap-" napatigil ako sa pag hampas sa kanya nang hawakan niya ang kanang pulso ko at hinila ito pataas dahilan para napatingkayad ako.

Grabe, 'di pa din magkapantay mukha namin, ah! Bahagya pa siyang yumuko para magka-level ang mukha namin.

"Ang liit mo pala talaga, noh?" nakangisi niyang saad.

"Aba't nangliliit ka ba sa—hmmp!?"

"OMG!!"

Kasabay ng malakas na singhapan sa paligid ay ang panlalaki ng mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari. Bagama't labis namang nag-init ang mukha ko partikular ang pisngi ko.

Did he just. . .

Mabilis ko siyang itinulak kaya napaatras siya. Napatakip ako ng bibig gamit ang likod ng palad ko at 'di makapaniwalang tiningnan siya na nakatayo't nakapamulsa habang nakangisi.

This basta—

"You're a perverted Giant!" Bulyaw ko sa inis bago ako tumakbo palayo habang nadidinig ang tawanan ng mga estudyante.

"See you around, Dwarf!" Pahabol na sigaw niya.

May saltik ba ang lalaking 'yon!?

"Shit. . ."

I'm Hazeth Andrea Almonte.

At ito ang simula ng magulo kong buhay sa piling ng isang Kapreng si Jiruel Sean Raquiza.





There will be some changes on the chapters since I began to revise this story. May nga tinanggal ako at dinagdag na kunti lang naman.

DON'T TOUCH HER Where stories live. Discover now