CHAPTER 1 : Hide And Seek

120K 2.8K 92
                                    

HAZETH

Malakas na ingay ng cellphone ang bumulabog sa mahimbing kong tulog. Sinabayan ng ilang kalampag sa kabilang kwarto at ang sunod na pag-ingay ng alarm clock sa tabi ko. Pikit matang pinatay ko ang alarm clock at nagtalukbong ng kumot. Ibinaon ang mukha sa unan at 'di pinansin ang cellphone ko na patuloy sa pag-ring.

Umagang-umaga nangbubulabog, eh.

Pabalik na sana ang diwa ko sa pagtulog pero naputol iyon nang muling mag-ring ang cellphone. Nakakairita ang ingay nito kaya wala akong nagawa kundi ang sagutin ito. Antok na antok ko itong inabot sa side table at sinagot ng 'di tinitingnan kung galing kanino ang tawag.

"Hello..." sagot ko ng nakapikit pa.

"Hoy, babae! Ano, tulog ka pa ba!?" bungad niya.

Kaagad ko din itong ibinaba at nagpatuloy sa pagtulog. Ang aga-aga sigaw ni Lyla maririnig ko. Anong oras palang, eh. Inaantok pa ako at—

"Hey, Dwarf! Get your ass in here in 10 minutes or else!"

Napamulat naman ako dahil sa sigaw na iyon at tiningnan ang cellphone. 'Di ko pala nagawang mapatay ang tawag. Pero kay Lyla naman 'to ba't boses ni Kapre ang narinig ko?

Imposible namang tumawag 'yon, hindi ko naman ibinigay ang number ko. Isa pa, wala akong balak ibigay sa kanya. Pinagtataguan ko nga ang engkanto na 'yon.

Guni-guni ko lang ata 'yon. Sa sobra kasing pang-ngungulit at pang aasar ng kapre na 'yon eh, 'di ko na makalimutan ang nakakaasar niyang boses. Tsk.

"Inaantok pa ako, Lyla. . ." sabi ko at nagtalukbong ulit.

"Dwende! Bumangon ka na kung ayaw mong puntahan kita d'yan sa bahay mo!" sigaw ulit mula sa cellphone.

Bat ba kasi 'di ko pa 'to mapatay-patay!? Istorbo, eh!

Naupo ako sa kama at inis na inis na sinigawan ang nasa kabilang linya. "Heh! Tigil-tigilan mo ako, Kapre ka!! Engkanto! Bumalik ka sa puno ng mangga! 'Wag mo ko guluhin!"

Pinatay ko na ang tawag saka padabog itong inilagay sa side table. Iritable pa akong nahiga sa kama at nagpapadyak dahil tuluyan nang nawala ang antok sa sistema ko.

Gaaahh!! Nakakaasar! Pupunta daw? Para namang alam niya bahay ko. Tsk. Napaka talaga ng kapre na 'yun.

"Uy, bunso!" tawag ng kapatid ko mula sa labas ng pinto. Sunod-sunod pa itong kumatok na parang nagmamadali. "Bumangon ka na daw sabi ni Mama at mali-late ka."

"Gising na," tipid na sagot ko dahil naiinis pa din ako.

Gaah! Sinira na niya ang araw ko! Papausukan ko talaga ang engkanto na 'yon! Makikita niya talaga!

Nagtungo nalang ako sa banyo para nakapaghanda sa pagpasok. Tutal naistorbo na ako ng engkanto na iyon wala ng saysay kung matutulog pa ulit ako. Naligo na lang ako at nagbihis. Pagtapos ay bumaba at naabutan ko si kuya na naghahanda na ding umalis.

"Good morning. Sabay ka, bunso?" tanong niya nang makita ako.

"Walang good sa morning," pagtataray ko pero tinawanan lang ako nito at nagtuloy sa pag-aayos sa mga gamit niya. "Hindi pala ako sasabay. Kaya mauna ka nalang pumasok." dugtong ko pa.

DON'T TOUCH HER Where stories live. Discover now