CHAPTER 2: Game of Tag

98.3K 2.7K 123
                                    

HAZETH

Nakatitig lamang ako sa kanya na gulat pa din habang siya ay nakangisi lang din. Ano bang pinagsasabi ng engkanto na 'to?

"A-anong. . ." utal na saad ko.

"Let's play tag, Dwarf. . ." saad niya pero 'di pa din lumalayo sa akin. ". . .pag naabutan kita, girlfriend na kita."

GIRLFRIEND!!?

"What the—ba't ko gagawin 'yon?! Nababaliw ka ba!?" Gulat na sigaw ko. Gago ba 'to? Ako tatakbo?  Asa siya!

"Bakit, may angal ka?" lumapit ulit ang mukha niya sa paraang nagkadikit na ang tungki ng ilong namin.

Nanlalaki ang matang napatitig lang ako rito. Palihim pa akong napalunok ng sariling laway dahil sa kaba. 'Di rin matigil ang mabilis na tibok ng puso ko.

". . . Hahalikan kita." banta niya na ikinatikom ko ng bibig sabay iling dahil sa takot sa sinabi niya.

Naka-isa na siya noong nakaraan at 'di ko na gugustuhing nangyari ulit iyon. Once is enough and twice is too much.

At sino ba naman ang may gustong mahalikan ng taong nakaaway mo!? Buti sana kung gwapo 'to at—ah, gwapo naman talaga 'tong kapre na 'to pero—aahh! Tigil!

"Remember my rule?" tanong niya na pumutol sa pag-iisip ko. Kaagad din akong napatango bilang sagot. "What is it again?"

"Don't let anyone touch—"

"YOU." putol niya saka ngumiti. "Now, run as fast as you can. GO!!"

Sa labis na gulat ko sa pagsigaw niya ay kumaripas ako nang takbo palabas roon. Narinig ko pa ang kanyang pagtawa pero 'di ko na 'yon pinansin. Mas inuna ko pa ang pagtakbo kasi nga natatakot ako sa masamang engkanto na 'yon.

Kailangang 'di niya ako mahuli dahil tiyak na sira ang bawat araw ko.

Ako? Girlfriend ng kapre na 'yon? Hah! Pagkamalan pa akong anak niya sa super katangkaran.

Sinadya ko pang tahakin ang daan tungo sa sarili kong classroom para iwan ang gamit ko. Sakto namang lumabas si Lyla kaya kaagad ko itong nilapitan.

"Bessie!? Ano't—" natigil siya sa pagsasalita ng bigla kong ibinigay sa kanya ang bag ko nang makasalubong ko siya.

"Pahawak muna. Salamat!" nagmamadali kong sabi at agad ding umalis.

"Hoy! Mag iingat ka, ah!" habol na sigaw niya kahit 'di niya alam kung bakit ako tumatakbo.

Nagpatuloy ako. Pero pagdating ko sa main hall ay tumigil ako at naglakad na lamang na medyo may kabilisan. Bawal kasi ang tumakbo sa main hall kaya ayan.

"Dwende! Andito na ako!" sigaw niya 'di kalayuan sa likod ko kaya nanlalaki ang matang nilingon ko siya. Nakapamulsa siya habang naglalakad papalapit sa akin at nakangisi.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Pero noong nakita kong wala namang teacher at estudyante ay tumakbo na ako.

"Tigilan mo ko, Kapre ka!" sigaw ko at nagtatakbo palayo doon.

Grabe ang bilis naman ata maglakad ng isang 'yon! Expect from him na ang hahaba ng binti. Waaaahhh!! Napapagod na ako.

"Ayuko na. . ." hingal na wika ko pagkatigil ko at napasandal sa isang pader. Habol ang hininga at parang nang hihina ang mga binti ko.

Ba't nga ba ako nakikipaghabulan sa lalaking 'yon? Ayuko na! Napapagod na talaga ako sobra. Basang-basa na damit ko dahil sa pawis ko. Wala pa naman akong dalang extra na damit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DON'T TOUCH HER Where stories live. Discover now