Prologue
Nagising ako dahil parang may kumalabog sa labas ng kwartong kinalalagyan ko
Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama ko at pinakiramdaman ang paligid..tumingin ako sa wall clock
12:00 ng umaga
Magtatatlong minuto na akong nakikiramdam ngunit wala naman akong kakaibang narinig, kaya nagpasya nalang akong bumalik sa kama at matulog ulit, naisip ko na baka nagguguni guni nanaman ako katulad ng naunang gabi, ganito rin, may narinig din ako nun pero parang mas malakas yung ngayon
TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!
Napabalikwas ako sa kama sa lakas ng kalampag sa pinto
TOK! TOK! TOK!
ayan na naman..kahit takot at nanginginig ang mga labi ko sa takot ay naglakas loob parin akong tanungin kung sino ang kumakatok
"S-sino yan?"
Tumigil ang pagkalampag
"C-cassy ikaw ba yan"
Baka si Cassy yata yan..pero hindi lalabas si Cassy ng ganito kalalim na gabi!
TOK! TOK! TOK! TOK!
ayan na naman ang nakakabinging mga kalampag na para bang isang mabibigat na kamay na humahampas at parang hindi na ito titigil hangga't hindi ito masisira
TOK! TOK! TOK!
Ngayon pati puso ko lumulundag sa bawat kalampag na aking naririnig..takot na takot ako pati labi at katawan ko'y hindi na tumitigil sa panginginig dahil sa takot..
TOK! TOK! TOK! TOK!
Nakita kong nahulog ang dalawang turnilyo sa sahig, Kaya nagmadali akong tumayo at pumunta sa siradura ng pinto at siniguradong nakasarado ito
Pagkahawak na pagkahawak ko palang sa siradura ay mayroon nanamang nahulog na mga turnilyo sa sahig at pagkatapos ay tumunog ang pinto..sinyas na malapit ng tuluyang masira ang pinto..
Lumuluha na akong mabilis na tumakbo sa sulok ng aking kwarto at napaluhod habang pinipigilan kong hindi marinig ang bawat hikbi na lumalabas sa bibig ko..
Maya maya'y tuluyan ng natumba ang pinto
Napatingin ako
Wala akong nakita, wala namang tao sa labas ng aking pinto
Dahan dahan akong tumayo at kinakabahang sumilip sa labas ng kwarto
Sobrang dilim wala akong makita sa sobrang dilim
Hindi ba nila pinaiilawan ang hallway kapag gabi?
Humakbang pa ako at tuluyan na akong nakalabas sa aking kwarto
Tinalasan ko ang aking paningin hanggang sa unti unti ng nasasanay ang mga mata ko sa dilim, sinabayan pa ng pagsilip ng kakaunting liwanag na nagmumula sa buwan
Pero wala pa rin naman akong makitang nilalang..
Pero ang nakakapagtaka sino ang kumalampag at sumira sa pinto ko
Umihip ang malamig na hangin na nakapagpataas ng aking balahibo..nagsimula na naman akong kilabutan, kakaiba kasi ang dating ng hangin..
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong parang may tao sa likod ko
Shit! Bakit hindi ako lumingon kanina sa kaliwang hallway!
"S-sinong andyan?"
Nanginginig parin ako
Dug dug dug dug
Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko
Haharap na ba ako?
Kusa nalang akong napaharap
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat koSi Cassy nakanganga, namumutla, nagbabaling baling ang ulo nya, ibang iba na sya,mas lalo pang lumaki ang mata ko ng makita kong may nakatarak na kutsilyo sa tiyan nya at nakalutang sa ere, at mas minadalian nya pa ang paglutang papalapit sa akin at malapit na malapit na at handa nya na akong dambahin
Hindi ako makagalaw!
Naramdaman ko na nalang na may matulis na kung ano ang tumusok sa mga mata ko at dahan dahang kinuha ang mga ito..
Huli na para sumigaw dahil naramdaman ko naman na ginilitan ang leeg ko at unti unti na akong nawalan ng malay.