SIYA BA O AKO? ( LONG TRAILER summary)

24 0 0
                                    

CHARACTERS

Jolene - Mahiyaing tao, pero sobrang sweet niya, tsaka napakatahimik, yung tipong simple lang siyang babae na walang arte, Siya ay isang Professional artist sa singapore, ipinagmamalaki ito ng mga magulang ang pagtatagumpay sa pagiging artist, Bread winner siya sa kanyang pamilya at gagawin niyang lahat para makatulong siya sa kanyang magulang. Nakakaalala din siya ng hindi magandang ala - ala sa kanyang memories noong 1st year college pa siya. Nasasaktan siya ng sobra, si Jim ang unang nanligaw sa kanya. pero binigo siya. May pagkakataon paba kaya magkabalikan sila?

Jim -  Magaling mag drawing kagaya ni Jolene,  magkaklase sila ni Jolene since 1st year college. mapagmahal din siya sa kanyang magulang. Siya yung tipong tahimik at simple lang na lalaki. Balak niyang ligawan si Jolene, kaso after 2 weeks binigo niya ito. Ayaw niya muna dumating sa Relationship. gusto niyang mag focus sa kanyang pag aaral. Bibigyan pa siya ng pagkakataon para magkabalikan sila?

Jaywill -  Mapogi, Malaysian Chindian ( Chinese - Indian ) Mabait at seryoso, matiyaga rin siyang mag aral. naging maganda ang kanyang pag uugali, matatas siyang magsalita ng Tagalog, Mapagmahal sa diyos at sa kanyang pamilya, nagbibigay siya ng advice about sa Relationship, Pinsan siya ng professor ni Jolene, Siya ay Matalik na kaibigan ni Jolene at Pinapasaya niya ito. May kaunting pagtingin din siya kay Jolene.


=====================================================

TRAILER 

JIM's LINES

" Sinong pipiliin mo? "

======================================================

Location: Singapore

* Todo yakap ni Jaywill kay Jolene para maicomfort siya, naalala ni Jolene si Jim, Alam ni Jaywill ang pinagdaanan ni Jolene nung 1st year college pa sila ni Jim. *

Jolene: Wag akong umasa na babalikan pa niya ako, Tanggap ko na, Kinalimutan ko na siya. Sobrang sakit ng ganon * Crying *

Jaywill: Nandito ako para ipatahan ka, tsaka kalimutan mo na siya okay? Mayroon pa namang iba jan * Sabay niya itong niyakap *

==================================================

* Nung kagigising ni Jolene ng 5:00 ng umaga, nagbukas na siya ng Messenger, natuklasang bigla ang pangalan ni Jim, ayaw niyang tingnan, parang may takot siyang basahin ang chat ni Jim sa kanya. Hindi niya alam kung bakit nagparamdam si Jim sa kanya. *

Jolene: Bakit kaya nagchat si Jim sakin.

* Nabigla si Jolene dahil sobrang haba ng chat ni Jim sa kanya *

* Jim's on Facebook Messenger *

Jim: Hello Jolene, Kamusta kana? Alam kong nakalimutan mo na ako, do you remember me? Yung amoy baby mo Jolene, nung 1st year college pa tayo, yun ang tawag natin sa chat, Alam kong masama parin ang loob mo sakin kung bakit ako nagparamdam sayo, Gusto kong makiusap sa'yo na bigyan mo pa ako ng second chance, Jolene, I'm so sorry for what i did to you, Alam kong nasaktan ka sa sinabi ko sa'yo non. Dati gusto ko nang balikan yung Ex ko pero hindi ko naman ginawa. Ayokong sabihin sayo dahil masasaktan ka ng sobra, Tsaka nung tumigil na tayo dati sa relationship, Because nag focus tayo sa pag aaral natin, Alam kong mahirap talaga kapag pinagsasabay natin ang relationship pati studies natin, tsaka alam mo hindi tayo papasa kapag ganito yung ginagawa natin. Jolene, matatanggap mo paba ako? Alam kong hindi mo na ako tatanggapin, Sana matanggap mo parin ako ngayon, at bigyan ng second chance, Magsimula tayo sa dati. kung okay lang sayo. Aaminin ko, nagkamali ako ng sobra. At nagsisisi narin ako sa mga pinagkakagawa ko. I'm sorry for everything Jolene. Sana ako nalang piliin mo </3. Please forgive me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SIYA BA o AKO? ( TRAILER and STORY )Where stories live. Discover now