Prologue

51 1 0
                                    

🔥🔥~Prologue~🔥🔥

“Michaelaa!!” Dinig kong sigaw ni Teresa pagkalabas ko ng kwarto. Kanina nya ako pinagmamadaling bumangon at bumaba.

“Bakit ba!? Kanina mo pa ako tinatawag!” Tanong ko sa kanya nangmakababa na ako ng hagdan. “Woi! Ano ba ang meron!!” Sigaw ko pa dahil yung mukha nya hindi ko maintindihan. Tumingin sya sakin ng masama.

'ANO NA NAMAN BA TERE!'

“SAAN KA GALING KAGABI MIKAY!?” yung pagtatanong nya ay may diin.

“Sa bar.” Simpleng tanong ko. Tumitig naman sya sakin na parang hindi kumbinsido! Tsk! Problema ne'to?!

“Sinungaleng!!” biglang sigaw nya. “Alam kong may ginawa ka kagabi umamin kana!! Anong ginawa mo kay Jacob!? Akala ko ba ayos na? Mikay naman!” Galit parin pero hindi makapaniwalang sabi nya.

“Ano ba ang sinasabi mo dyan tere? Wala naman ako----” Sinampal nya ako!! What the fuck!?? “Ano ba TERESA!??? Ano ba ang problema?” nanggigilid ang mga luha ko, sa tagal na naming magkasama dito sa bahay, itinuring na kapatid at katuwang ko na sya sa buhay ko, ngayon nya lang akong sinaktan.

“Patay na Jacob! At ikaw ang pinaghihinalaang pumatay sa kanya Mikay!! Kaya sagutin mo ako saan ka talaga galing kagabi!!?” Galit na galit sya. Ako naman ay gulat na gulat. Paano nangyari yon. Nanghina bigla ang tuhod ko.

KAUSAP KO LANG SYA KAGABI!! NAGKAMUSTAHAN PA KAMI! AYOS KAMI EHH! AYOS NA!!

Iiling-iling akong napaupo ako sa sofa at hindi ko alam kung paano akong magrereact! At worst, what I killed him? Sinong gago naman ang nagbintang nyan! Ha! This is bullshit! BULLSHIT!! Hindi ako mamamatay tao! Oo, bitter ako kay Jacob dahil hindi na kami pero wala akong karapatang patayin sya. Mahal na mahal ko si Cob!! Hindi ko sya kayang nasasaktan, ang patayin pa kaya? The hell!

“MIKAY SAGUTIN MO AKO!! ANO HA? GUILTY KANA? HAH? KASI AKO PARIN YUNG PINILI NYA KAYA NUNG HINDI MO NA SYA MAKUHA PINATAY MO NALANG?” Umusbong bigla ang galit ko. Anong karapatan nyang manumbat? Pinsan ko lang sya! Nagparaya na ako't lahat ako parin ang masama!?               

Tinignan ko sya ng masama. “SA TINGIN MO BA KAYA KO YONG GAWIN? HA? TERESA!?” Tumayo ako at tumingin sa mga mata nya. “COME ON TERE! THIS IS BULLSHIT! NAG-USAP KAMI NI COB KAGABI! AT OO BITTER AKO SA KANYA. PERO NAG KAAYOS NA KAMI! TANGGAP KO NANG SAYO NA SYA! BAKIT NAGKAKAGANYAN KA? MAMATAY TAO BA AKO? HA? TERE!?” Hindi sya nakasagot! Napayuko nalang sya.

Sandaling katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Ng bigla syang magsalita, na mas bumuhay sa pagkamuhi ko sa kanya ngayon! “Dapat ka paring makulong, hindi man o ikaw ang gumawa.. Ipapakulong kita! Sinira mo ang buhay ko! Kinuha mo ang taong mahal ko! Wala kang kwentaa! Ipakukulong kita! Hanggang mamatay kana!” Hindi ako makapaniwalang masasabi nya yun sakin. Sya ang pinakasweet kong pinsan. Sandali ko tuloy naalala nung unang beses na kinwentuhan nya ako tungkol sa una nyang napusuang lalaki.

•Flashback•

“Mikay! Mikay! May ikukuwento ako!” Nandito ako sa kwarto ko ng biglang dumating si Tere na sobrang saya na balantay sa mukha nya ang kilig.

“Mikay! Nakita ko na yung forever ko whahaha..” Nun ko lang sya nilingon. Itinigil ko muna iyong librong binabasa ko, minsan lang syang magkaganito, at kakaiba ngayon. Kilig na kilig sya. “Ang gwapo nyaa! Whaa! Kanina kasi nung nasa may Mall ako para mag grocery sabay naming nadampot yung product na Golden Oats medyo namula pa yung poging-pogi nyang mukha na halatang nahiya sakin. Tapos nagsorry pa sya sakin, yung boses nya whaaa! Malalaglag ang bra kooo!” Patuloy na. Natawa naman ako sa kanya.

“Then?” Natatawa kong sabi. “Hahaha coincidence lang pala naka-forever kana. Hahaha” Sabi ko pa. Napasimangot naman sya.

“Basta kapag nakilala ko sya, tapos niligawan nya ako sasagutin ko sya agad! Whaaa! Mukha syang Anghelito! Sya yata ang guardian kooo! Lord take meee! Whaaaaa!!! OmyGosh!! Yung sweet cute smile nya tas may dimples pa sya! Mr. Perfect! Kapag naging kami, ayyy! Kakain na ako ng sweets laloo!” Yung reaction nya para syang nasa ulap. Haha..

“Tss, baka naman mas pogi ang Jacob ko. Pero baka naman sa sobra mong ka-sweetan kapag naging kayo ako naman ang kalimutan mo! Hmp!” Kunyaring tampo ko pa.

“Naku! Ikaw yata ang hindi ko kayang mawala ano! Sayo lang ako magiging sweet na sweet nang hard!” Napangiti naman ako. “Tsk! Hindi ko pa naman nakikita iyang jacob mo! Kelan lang ako dito eh! Kelan ba sya dito dadalaw? Pero kahit pogi pa sya! May forever nako! Pero mas mahal kita whaaahahaha!” Sabay yakap sakin.

•End of Flashback•

And yes, ang forever nya at si Jacob ay iisa lang. Coincidence nga talaga. At inamin sakin ni Jacob na na-love at First sight sya kay Teresa. So ayun, paraya nalang. Pero eto kami ngayon ni Tere, sirang-sira. Nasaan kana Teresa? Yung sweet na Pinsan ko?

Namumula na ang mata ko sa sobrang pagpipigil ng luha. “Kung dyan ka sasaya Teresa. Gawin mo na. Pero eto ang tatandaan mo Tere, hindi ko magagawa sa kanya yan” Hindi ako sanay na ganyan ka. Namimiss na kita bigla. Naiyak na ako ng tuluyan. Hindi ko naman alam na magiging ganito. Leche! Kung sino man ang gumawa nyan, mamatay din. Dahil pareho magiging kriminal ang isa saamin.

“M-mikay.” Umiiyak na sya. “Mikay, S-sorry. Nai-report ko n-na. Nag-galit kasi ako nang s-sobra kanina, h-hindi ko naisip na komprontahin ka muna.” Humihikbi pa sya.

Tinignan ko nalang sya. At tumango “Eh, nangyari na ehh. Wag kang mag-alala hindi ko aatrasan ang nga pulis. Inosente naman ako ehh.” Pilit ang ngiting sabi ko. Minuto ang lumipas dining ko ang hikbi nya. Habang ako hinahanda ang sarili ko sa mangyayari. Napapabuntong hininga nalang ako.

I'm ImpeccableWhere stories live. Discover now