Paalam

26 2 0
                                    

Maliwanag na sikat ng araw, malamig na simoy ng hangin at iba't-ibang uri ng tunog ng hayop ang sumalubong sa akin ng lumabas ako sa aking sasakyan. " AHHHHH! AYOKO NAAA! GUSTO KO NANG MAMATAY! " paulit-ulit akong nag sisigaw hanggang sa napagod ako. Bakit ganon? Sobrang daya ng mundo! Bakit ang iba ang sarap ng buhay habang ang iba ay nagdurusa! Nag simula ng nagtuluan ang aking mga luha ng na alala ko na naman ang mga nangyari sa eksaktong kapaskohan dalawang taon na ang nakalipas.

Habang kumakanta ang bunso kong kapatid ng pampaskong kanta ay tumatawang sinabayan namin siya ni mama. Si Czech ay dalawang taong gulang pa lamang at di pa niya nabibigkas ng maayos ang mga salita. Papapunta kaming simbahan upang mag simba, wala kaming kasamang bodyguards ngayun dahil pinag day off sila ni daddy upang salubungin ang pasko kasama ang pamilya nila. Habang nag kakasiyahan kami ay napansin kong parang naliligaw na kami ngunit binaliwala ko nalang at nag patuloy sa aming kasiyahan. " DAD! " isang putok ng baril ang nagpatigil ng mundo ko. Nag simula sa isang putok ng baril na tumama sa balikat ni daddy hanggang sa nasundan pa ng mga putok. Agad kaming pina dapa ni daddy at isinangga ang kanyang katawan pati ni mama. Pinagitnaan nila kami. Wala akong magawa kundi tignan ang mga mukha nilang nasasaktan habang natatamaan ng bala. Si Czech naman ay umiiyak ngunit tila nabingi ako at wala akong naririnig hanggang sa namanhid ang katawan ko at nawalan ng malay.

Pinagmasdan ko kong gaano ka ganda ang tanawin. Ngunit kung anong ganda ang tanawin na natatanaw ko kabaliktaran naman sa kung gaano ka misebrably ang aking buhay. Isa, isang hakbang nalang matitigil na ang pagdudusa ko. Isang hakbang nalang matatapos na ang paghihirap ko. Pumikit ako at handa ng humakbang... " ANU KABA! MAGPAPAKAMATAY KABA! " iritado akong bumaling sa lalaking humalbot sa akin. " HINDI BA HALATA! " ang kaninang galit na ekspresyon ay lumambot. " KUNG HINDI MO SANA AKO HINALBOT! MATATAPOS NA ANG PAGDURUSA KO! MABUBURA NA SANA AKO SA MALUPIT NA MUNDONG ITO! SA-" napatigil ako ng niyakap niya ako. Isang yakap na nagpatulo lalo ng mga luha ko. Ramdam ko ang awa sa mga yakap niya at alala. Sino bato, bat nakakaramdam ako ng kaligtasan sa mga bisig niya na siyang nagpa gaan ng pakiramdam ko. " Shhhhh. Tahan na, tahan na. Alam kong hindi naging madali ang buhay mo, ramdam ko yon. Ngunit hindi solusyon ang pag kitil ng buhay mo sa mga problema mo. " Nanatiling ganon ang posisyon namin hanggang sa nakatulog ko.

Pagbukas ko ng aking mga mata ay nakapikit na lalaki ang nakita ko. Mahabang pilik mata, matangos na ilong at perpektong hugis ng mapupulang labi. Agad akong nakaramdam ng hiya sa nangyari kanina kaya marahan at maingat akong bumangon upang hindi siya magising. Tatayu na sana ako ngunit may humawak sa kamay ko. " Mom! No! No! Please! Please don't leave me. " paulit-ulit na bigkas niya sabay ungol. Ungol na parang nasasaktan. Lumaki ang mga mata ko at marahan siyang ginising. Ayaw niyang magising kayat dala sa takot at pagkataranta ko ay malakas ko siyang sinampal. " Aray! Para saan yon. " galit na sabi niya. " Binangungut ka kasi at ayaw mong magising sa marahan na paraan kaya ayon, dala sa taranta ko nasampal kita. " uminit ang pinsngi ko dahil sa hiya. Lumungkot ang mga mata niya at marahan na umupo.

Paalam (Oneshot)Where stories live. Discover now