Panimula

34 3 2
                                    

Present

"Huy! Tara na!"

Napaangat ako ng tingin sa nasa harapan ko at nakitang ang nakapamaywang na babaeng tinataasan ako ng kilay.

"Ano? Titigan mo na lang ako dito ha?" napakasungit talaga nitong babaeng 'to. Ewan ko ba kung bakit kami naging malapit sa isa't isa.

"Ito na. Ito na. Tatayo na ko oh." sabi ko dito at niligpit na ang mga gamit ko sa lamesa. Nasa labas kasi kami ng building ng tourism department. At nagre-review ako sa isa sa mga subjects namin dahil may quiz kami mamaya.

"Review, review pa kasi, babagsak din naman." maarteng sabi niya at umirap irap pa. Kapag talaga binatukan ko ito, mangungudngod siya sa lupa. Buti na lang mabait ako.

"Wag mo akong itulad sayo, Clara. I have a grade to maintain. I don't want to lose my scholarship." pagpapaliwanag ko pa sa kaniya.

Hindi naman kami mahirap at kung tutuusin, makakaya ko namang mag-aral kahit wala akong scholarship dito sa university. Ayoko lang talaga dumipende sa mga magulang ko kung pwede naman mabawasan mga gagastusin sa pag-aaral ko.

"Hay, ewan ko ba naman kasi sayo, bebs. Hindi naman kayo mahirap, pero nagta-tyaga kang mag-aral ng sobra. Kulang na nga lang dumukdok ka na sa lamesa mo kakabasa." sabi niya habang pinagmamasdan akong magligpit ng mga gamit ko. Nang matapos ko iyon ay saka ko siya sinagot.

"Hayaan mo na. Nakakamenos naman sila Mama at Papa sa gastos. Ayoko ng idagdag pa sa iisipin nila yung gagastusin sa pag-aaral ko kung may iba pa namang paraan para mabawasan iyon. Tara na."

"Ikaw lang din naman ang nahihirapan."

Hindi na ako sumagot. Nauna akong maglakad sa kaniya at nakahabol pa din naman siya. Hindi na siya ulit nagsalita pa at hinayaan na lamang ang usaping iyon.

Totoong nahihirapan na ako. Hindi pala biro ang mag-aral. Ang dami kong kailangang tapusin hindi na tulad ng dating pwede kong unahin ang ibang bagay at ipagsawalang bahala iyon at hayaan na lang bukas problemahin. Hindi ako matalino pero hindi rin naman ako bobo. Sadyang may mga subjects at topic lang talaga akong hindi ko maintindihan kaya kailangan ng matinding pag-aaral.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinagtuunan ang paglalakad, mahirap na baka madapa pa ako.

"Punta muna tayong canteen, bebs. Nagugutom ako." bigla namang sabi ni Clara sa akin kaya um-oo na lang ako. Hindi rin naman siya magpapatalo kung tatanggi ako.

Naglalakad kami sa hallway at maraming estudyante ang nakatambay pa sa gilid gilid. Hindi pa kasi simula ang klase o ang iba naman ay walang prof kaya may free time silang magliwaliw.

"Totoo ba yung pictures?"

"Oo, totoo. Saka sobrang linaw ng kuha kaya kitang kita talagang totoo iyon."

"Grabe naman siya. Hindi na siya naawa kay An--"

"Shhh! Paparating na siya. Baka marinig ka pa. Tumabi ka dali."

Nang makarating kami sa building ng Engr. Department madami kaming narinig na bulung-bulungan. Napakunot pa nga ang noo ni Clara ng may babaeng nakangisi sa gawi namin at titinignan kami na paramg awang-awa siya. Teka, parang sa akin ata siya nakatingin. Pero bakit naman niya ko kakaawaan? Nalubog na ba sa utang si Papa? Bankrupt na ba ang kompaniya namin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey, CrushWhere stories live. Discover now