Crush (Short Story)

6 0 0
                                    

"Anak gising na malelate kana sa skul mo" gising sa akin ng mahal kung ina

"Five minutes pa ma, antok pa ako eh" sagot ko naman kay mama habang humihikab pa

"Wala ng five minutes anak dahil pag hindi kapa tumayo jan ay siguradong late kana, 6:30 na oh kalahating minuto na lang late kana" pahabol na sabi ni mama habang paalis ng aking silid

"Agad naman akong napabalikwas sa sinabi ni mama at agad tiningnan ang orasan at tama nga sya pag hindi pa ako kumilos ay siguradong malelate na ako"

Naalala kung si Ms. Dela Cruz pala ang first subject namin ngayon ang isa sa pinakamasungit na guro namin dahil siguro matandang dalaga kaya ganun

Agad-agad naman akong naligo at nagbihis at halos liparin ko ang kwarto ko palabas ni hindi na nga ako nakakain ng agahan sa pag mamadali at buti na lang may dumaan agad jeep kaya agad akong nakasakay.

Nang mag-aabot na ako ng bayad sa katabi ko ay doon ko lang napansin na ang katabi ko pala sa upuan ay si Clinton John De Vera "Ang ultimate crush ko noon pa lang" waahhhh!!!

Agad akong nagpasalamat ng abutin niya ang bayad ko at halos magwala ang puso ko sa pagkakadampi ng aming mga palad.

"Puso relaks ka lang naman jan, wag ka masyadong maingay baka marinig ka niya nakakahiya" saway ko sa aking puso na parang nakikipag karera sa bilis ng tibok nito"

Hindi ko malaman kung kakausapin ko ba siya o hindi basta ang alam ko lang saya saya ko ngayong araw dahil for the first time nakasabay ko sya papasok sa skul

"Hi" bigla naman akong napalingon sa kanya na nakangiti sakin pagkatapos akong batiin.

Dahil sa ngiti niyang yun ay lalong naghuramintado ang malandi kong puso :).

Di agad ako nakasagot at halos nakatingin lang ako sa kanya dahil di ako makapaniwala na kinakausap niya ako ngayon bihira kasi siyang makipag usap

Nagulat naman ako ng ikaway niya ang kamay niya sa harap ko habang nakangiti pa din at sobrang nahihiya ako dahil nakatulala ako sa harap niya.

"Hi din" sabi ko naman sa kanya at agad tumungo dahil alam kong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa hiya

"Ashley right? Tanong niya sakin

"Ahm, oo, bakit? Nahihiya kung sagot sa kanya

"Wala naman, kasi matagal na tayong klasmeyt di man lang tayo nagkakausap kahit minsan, dagdag pa niya

Halos mahulog ang puso ko sa kilig dahil gusto niya pala akong makausap kahit minsan :)

"Tama, klasmeyt ko siya since elementary pa lang kami kaya sobrang tagal ko na siyang crush waahhhh!!!!

"Ah ganun ba, ang sungit mo kasi minsan at ang tahimik mo pa masyado kaya di kita makausap baka kasi di mo lang ako kausapin, mahaba kung pahayag sa kanya habang nakangiti

"Ahm ganun ba? Di lang kasi talaga ako sanay makipag kwentuhan sa iba lalo na sa babae, alam mo namang si EJ lang ang kaibigan ko sa room, sabi pa niya

Tama si EJ nga lang ang madalas kong nakikita niyang kausap at kasama lalo na sa mga events sa skul

"Yaan mo this time pwede muna ako kausapin kong gusto mo at kung may tatanong ka, dugtong pa niya habang nakangiti

"Halos maglumundag ang puso ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko sa mga oras na to dahil sa sinabi niya"

"Sige ba, basta wag mo akong susungitan ha, saad ko sabay tawa

"Oo sige, para di mo na din ako masabihan na masungit, nakatawa din nitong sabi sakin

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa skul, pagkababa pa lang namin ay agad na niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papuntang room dahil five minutes na lang ay malelate na kami

Halos maghabol kami ng hininga pagdating sa room at buti na lang wala pa si Mam. Agad naman kami umupo sa upuan namin at sabay nangiti ng magkatinginan kami.

Sobra-sobrang kilig ang nararamdaman ko ngayong araw na to para sakin "THIS IS THE BEST DAY OF MY LIFE WAHHHHH"

Una nakasabay ko sa jeep ang ultimate crush ko tapos hinawakan niya kamay ko habang tumatakbo lakas lang maka k-drama hahahaha

Sana lagi na kaming sabay pumasok at sana magtuloy tuloy na ang ganito para laging masaya :) at malay niyo maging jowa ko sya wahhhhhh 😍

------------------------

Salamat po sa pagbabasa guys 😘

Please vote, comment and share 😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jeepney (One Shot)Where stories live. Discover now