ONE SHOT

65 9 3
                                    

HAYA'S P .O. V

"Okay class, for your assignment; Magdala kayo ng plastic bottles, magazine na hindi na ginagamit, newspaper, at iba pang mga bagay na pwedeng gamiting pangrecycle!" malakas na sabi ni Ma'am Villanueva upang marinig ng buong klase.

'Ano ba 'yan! Antagal namang magtime. Nakakainis na e, amboring! Nakakagutom na rin,' sabi ko si isip ko.

~~*~~


"Ting! Ting! Ting! Ting!" sandali pang nagbell para sa lunch time.


"Class dissmiss!" nagpaalam na si Ma'am at binuhat na niya ang mga gamit nya.

"Goodbye, Ma'am!"

"Ohh! Yes! Thank you, G!" mahinang sabi ko sa sarili ko.

Nagsilabasan na ang mga classmates ko. Pero ako, nandito pa sa room, inaayos ang mga gamit ko.

~~*~~

"Hi! Bestie!"

'Ayyy palaka! Balak yata akong patayin nito!'

Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom, biglang sumulpot at nagsalita si Jyne, isa sa mga kaibigan ko.

"Ano ba 'yan, Jyne! Saan ka ba galing at bigla-bigla ka nalang sumusulpot ha!?" sigaw ko kay Jyne.

"Kanina pa kaya kitang umaga tinatawag, hindi mo naman ako pinapansin," naka-pout na paliwanag niya.

'Whaaaaa ang cute talaga ni Jyne!'

"Ohhh tampo ka na niyan?!" natatawa namang asar ko.

"Heh! Hindi tayo bati," tapos ayon, nag walk-out na ang isip-batang Jyne. Hahaha!

Susundan ko sana siya kaya lang may biglang may nagsalitang boses lalaki sa likod ko.

"Miss nalalaglag ang I.D mo."

Pagharap ko...

"Ahhh... ehhh... T--thank y-you...," bakit ba ako nauutal?

'Haya, stop!'

"Aah, mis--," naputol na sabi ni Mr. Unknown.

"Haya!" bigla-bigla kasing sumigaw si Lexi, ang bestfriend ko.

'Nako! Pigilan nyo ko...mahahampas ko itong Lexi Vergara na ito! Panira ng moment!'

"Sige, Miss... Haya? Mauna na ako," paalam ni Mr. Unknown.

'Ayan tuloy! Umalis na!'

Naka-busangot tuloy akong lumapit kay Lexi.

"Nako! Ikaw ha?! Hindi ba crush mo 'yon?! Hahah----," bigla kong tinakpan ang malaking bunganga ni Lexi.

"Baka may makarinig sa 'yo. Nakakahiya," mahinahong paliwanag ko.

"Okay! Tara!" bigla niya akong hinila nang parang wala nang bukas!

Mabilis siyang naglalakad at sumasabay naman ako sa kaniya.

Dumaan pa muna kami sa canteen dahil naglunch kami.

~~*~~

After 30 minutes, dinala niya ako dito sa school park, para daw magpahangin.

The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon