ONE SHOT

78 17 8
                                    

Kathy's P. O. V

Kasama ko ang aking kaibigang si Yumi habang papasok sa gate ng school.

"Ang gwapo talaga ni Reeeennnnz!" mahinang may halong kilig na pagkasabi ko.

Nakita ko kasi 'yong crush kong si Renz Dela Cruz, kaklase ko, nakatambay siya sa labas ng school. May hinihintay yata siya.

'Yes, kaklase ko siya, Grade 10 na kami.'

"Tumigil ka nga diyan! Nababaliw ka na naman!" paepal na sabi sa akin ni Yumi.

"Baka gusto mong hindi kita tulungan sa crush mo hahahah!" pananakot ko sa kan'ya.

Sinabi ko kasi sa kan'yang tutulungan ko s'ya sa pinsan kong si Gabriel. Crush n'ya 'yong pinsan kong 'yon! Sobrang gwapo kasi. Siyempre, kapag pamilya namin, magaganda't gwapo.

"Gusto! Gustong-gusto hahaha! Paano kasi, nakakarindi ka na, araw-araw nalang, si Renz ang bukambibig mo hahahahahahah!" patawang sabi n'ya.

Hindi nalang ako sumagot. Pshhh.

Baliw talaga 'yang kaibigan kong 'yan. Lagi nalang umeepal kapag bukambibig ko si Renz. Pero kapag 'yong crush n'ya naman ang pinag-uusapan, nakikisabay naman ako sa mga pinagsasabi n'ya.

'Hayyyy'

Papasok na sana kami sa classroom pero may biglang humarang sa pinto.

'Si Claire.'

Ang bida bida sa classroom!

Nakatingin s'ya sa amin. Nakatingin lang. 'Yong tingin n'ya, parang naiinis. Ewan ko ba d'yan sa babaeng 'yan! Laging naiinis sa aming dalawa, hindi naman namin inaano.

'Isip bata amp!'

Tinignan ko naman si Yumi, nakikipaglaban s'ya kay Claire ng titigan hahahah! Then, me, walang kibo. Mabait kasi ako!

Maya-maya'y may nagsalita sa bandang likuran namin.

"Wag ka ngang humarang d'yan, Claire," malumanay na boses sa likod namin ni Yumi.

Agad naman naming nilingon.

'Si Rennnnnnnnzzzz!!!!'

Inis namang umalis si Claire sa pinto.

Hindi na ako nagkapagsalita pa.

Dadaan din si Renz, kaya n'ya pinaalis si Claire. Nang bago s'ya dumaan, nakita kong nginitian n'ya si Yumi! Samantalang ako, hindi n'ya pinansin.

'Aray!'

Nakafeel tuloy ako ng selos. Feeling ko, crush ng crush ko ang kaibigan ko. And that's what I hate the most. Lagi nalang kasing gan'to. Laging nagugustuhan ng mga crush ko ang mga kaibigan ko.

Dati, crush ko si Brian, pero nagustuhan n'ya ang dati kong kaibigang si Aaliyah. Nasa ibang school na si Aaliyah, kasi lumipat na din sila ng bahay.

[FLASHBACK]

"Aaliyaaah!" salubong ko sa kaibigan ko.

Pagharap ni Aaliyah, nakita kong may hawak s'yang flowers and chocolates.

'Valentines' Day nga kasi.'

"Oh! Aba! Sino naman ang nagbigay n'yan sa 'yo?! hahahaha!" tukoy ko sa mga hawak n'ya.

"Wait lang, bess! Punta lang akong canteen haha!" paalam n'ya.

Tumalikod s'ya sa akin at lumakad papuntang canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Endless NapWhere stories live. Discover now