Ikaw Lang Ay Mahalin

9 1 0
                                    

Minsa'y naging langit na bughaw
Damdaming aking natatanaw
Ngunit nang ito'y magpatangay
Naging isang ilog na patay

Kasinglabo ng hinaharap
Mananatili nang pangarap
Sapagkat siya'y hindi pala
Kundi isang maling akala

Kung ito'y maramdamang muli
Sana ay di na magkamali
Puso'y huwag mong madaliin
Upang ikaw lang ay mahalin

While AloneWhere stories live. Discover now