Mahal Na Yata Kita

34 0 0
                                    

Sa bawat pag online ko
Pangalan mo ang hinahanap ko
Sa bawat pagpost ko
Like o react mo agad hinahanap ko
Sa bawat pagtulog ko
Goodnight mo lagi hinahanap ko
At sa bawat paggising ko
Cellphone ko agad hinahanap ko
Nagbabakasakaling may "Good Morning" at "I Love You" galing sayo.

Hindi ko alam kung san nagsimula
Nang ang puso ko sayo'y tumibok na
Sa tuwing ako'y nakakausap ka
Nag-iiba ang pakiramdam tuwing pangalan mo ang nakikita
Sa kada reply mo ako'y kinikilig at tuwang tuwa
Para bang wala ng bukas dahil ang saya,ang saya saya.

Dumaan ang maraming araw at naging mas malapit sayo.
Mga bagay na sikreto ay ikinikwento ko.
Mga personal na bagay nalalaman mo.
Para bang tiwala ko'y napasayo na ng todo.
Pagtitiwala ko sayo sana'y ingatan mo.

Sa araw araw na kausap ka'y aking
napagtanto.
Minahal mo ako hindi dahil maganda ako
Minahal mo ako kahit iba pag nagalit ako
Ok lng sayo kahit paulit ulit na magsorry magkaayos lng tayo
Nakaya mong tiisin ang ugali ko
Kahit na sumusobra na ako
Minahal mo ako kahit may kapangitan pag uugali ko
At yun ang ipinagpapasalamat ko
Hindi ko sasayangin ang isang taong tulad mo.
Ayoko ng habain pa ang tulang to.
Nais ko lamang na malaman mo
Mahal na ata kita, yun ang totoo.

Thoughts and Poems Where stories live. Discover now