'Di Ko Man Lang Nasabi

379 44 118
                                    

Warning: 

         Beware for the plot twist. I know this is a common type of story or we also known as "cliché story". But at least, I'm honest to myself that this one shot is from my own mind and strategy to control my characters and flow.

This is the first time that I used guy point of view and I hope it turns out good. Moreover, I'm not good in english grammar and I hope you don't mind after reading this. Thank you and enjoy!

---

Okay, simulan natin dito...

March 26, 2016 - Entry #100

Bukas na ang birthday mo at magkikita na ulit tayo.

Pumikit ako at huminga ng malalim matapos isulat ang mga katagang ito. 

At sa muli kong pagkadikat ay taimtim kong tinignan ang notebook ko--- ang notebook ko na walang ibang laman kundi siya.

Nakakabakla ba? Oo siguro, pero nandito kasi lahat ng realization ko para sa kaniya. 

Lahat ng gusto kong sabihin para sa kaniya. At ilang beses na nasaktan ako ng dahil sa kaniya.

Wala namang masama na magkaroon ako ng love diary na ganito 'diba?

Hindi naman siya nakakawala ng pagkalalaki.

Although, masyado siyang cheesy.

Well, kahit ano namang mangyari sa notebook na ito... Hanggang dito nalang ang mag sisilbing ala-ala ng pagmamahal ko sa kaniya.

Awts. Ang hirap naman maging torpe.

"Kuyaaaaaaa!" Itinago ko ka-agad ang notebook sa drawer at sakto naman ang padabog na pagbukas ng pintuan, "Walang hiya ka! Nasaan ang earphones ko?!" Sigaw ng kapatid kong dragon.

Shit. Ang bilis nang tibok ng puso ko sabay tumulo din ang butil ng pawis ko galing sa noo. Tangina naman, bakit ba kinakabahan ako?

"Hoy, ano ba!" Bulyaw niya muli sa 'kin bago sinamaan ako ng tingin. Minsan talaga nakakainis 'tong kapatid ko pero madalas naman napapakinabangan ko.

"Pahiraaaam kasi ako! Bakit ba ayaw mong ibalik?!" Humarap ako sa kaniya at tinignan ng malalim, "Anong titingin tingin mo diyan? Ibalik mo na kasi!"

Tinitigan ko muna ang kapatid ko dahil sa itsura niya ngayon. Halatang bwisit na bwisit siya sa 'kin, napatawa tuloy ako ng mahina. Napakagulo na ng pagkakatali sa buhok niya , napakapangit ng mukha at iratado.

Kayumanggi naman ang kulay namin pero kung siya ang titignan mo? Mukha siyang maitim. Siguro dahil mataba rin siya? Ayaw kasi alagaan ng sarili, ang pangit niya tuloy. Haha.

"Sira na." 'Yon nalang ang nasabi ko at hindi na pinakinggan ang mga sasabihin niya saka tumakbo palabas ng bahay. Katakot takot na buga na naman 'yon. 

"Makatambay nalang muna sa comshop."

Sa totoo lang, hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Walang trabaho ang Mama pero si Papa may pwesto sa palengke at iyon ang bumubuhay sa aming pamilya.

May dalawa akong kapatid na babae, yung sumisigaw kanina ay si Alliyah at ang bunso ay si Allison at ako? Panganay lang naman. Graduating student at nag pa-part time job para makatulong kela Mama.

Kahit nakakainis minsan ang buhay namin, hindi ko rin maiwasan maging masaya dahil buo kami at magkakasama parin sa hapagkainan. Kasi 'yon naman ang mahalaga 'diba? 

At kontento na ako don...

Nabalik ang isipn ko sa reyalidad at napakunot ang noo nang mag vibrate ang phone ko,

'Di Ko Man Lang Nasabi || One ShotWhere stories live. Discover now