PROLOGUE

508 11 5
                                    

Prologue..

SINAG at init ng araw ang naging dahilan para magising si Aneya. Dahan - dahan niyang iminulat ang kaniyang dalawang talukap ng mata ngunit nahihirapan siyang ibukas iyon kung kaya't ipinikit ulit niya segundo lang at nagbukas ulit. Hinayaan niyang naningkit habang nakatitig sa bukas na bintana at saka sinalubong ang sinag ng araw.

Segundo lang at agarang nanlaki ang kaniyang dalawang mata may halong pagtataka at katanungan kung; bakit naiba ang pwesto ng kaniyang bintana nang kuwarto.

"Nasaan ako?" tanong sa sarili, agarang bumalatay sa mukha niya ang takot. Pagkatapos umupo sa pagkakahiga hindi na maiwasan ang pagtambol ng kaniyang dibdib.

Iginala niya ang dalawang mata sa kabuuan ng kuwarto. May dalawang upuan sa gilid at isang lamesa at ang kaharapan nito ay isang malaking television. Sa kabila naman ay may isang pintuan na hindi siya nagkakamali ay bathroom. Sa luwang ng kuwarto tila ba isang malaking pamilya ang nag mamay- ari 'non dahilan sa malawak na kabuoan. Dumako ang kaniyang paningin sa gilid niya. May lampshade doon na magkabila at isang astray na kulay ginto.

Nagpasya siyang tumayo at dumako sa pintuan para lumabas. Ngunit natigilan siya at nanlaki ang dalawang mata sa gulat ng makita niyang hubot hubad siya ng hindi niya narandaman noong magising siya.

"Bakit nakahubad ako?" bulong niyang nagtataka sa sarili. Bumalik ulit siya sa kama at mabilis na hinablot ang sapin para itapis sa hubad na katawan.

Wala siyang matandaan na may sinamahan siyang lalaki noong gabi. Tanging naaalala lang niya lagok siya sa kalasingan sa isang bar.

Pinakiramdaman niya ang sarili kung may anong masakit ba sa tagiliran, ngunit wala siyang maramdaman. Pilit inaalala ang mga bagay sa nakalipas ngunit malabo. Wala talaga niyang maalala na sinamahan kahit sino.

Pero bakit kailangan pa niyang malaman? Ganoong hindi naman na siya birhen dahilan nakuha na siya ni Alvin.

Doon pumasok sa isipan niya si Alvin. Ang kaniyang nobyo na paulit-ulit siyang pinagtataksilan, pero hayun siya at paulit -ulit parin din niyang tinatanggap sa puso kahit ipang beses na sinasaktan ang puso niya. Ganoon niya ito kamahal at ganoon siya ka tanga! Mali man, pero abot langit ang pagmamahal niya dito na hindi niya kayang ipagpalit na kahit sino 'man na ponsyo pilato. Itinatak na niya sa sarili na ito lamang ang mamahalin dahilan ito lang ang nakakuha sa pagka babae niya. Aminin 'man, mayroon utak talangka siya.

Siya si Sgnt. Aneya Marie Candez. Matapang, may isang salita ngunit pag abot sa isang lalaki nawawala ang kaniyang tapang.

Awtomatikong gumalaw ang kaniyang kamay padako sa mukha, matapos pinunasan ang luhang papatak na sana sa kaniyang pisngi.

Naalala niyang lasing na lasing pala siya kagabi. Ginawa niya iyon dahilan pakiramdam niya sasabog na siya sa sakit na nararmdaman. Hindi na niya kilala masyado ang sarili, nagpapaubaya siya sa isang lalaki na wala ng ginawa ku'ndi saktan siya. Pero hayun at hinahayaan niya ang sarili na magpatiubaya kahit harapan na siyang niloloko. Sobrang manhid na siya sa bagay- bagay.

Nagbalik ala-ala siya, wala siyang naaalala na may sinamahan na kung sino para mapunta siya dito.

Kailangan niyang malaman kung nasaan siya. Hinakbang niya ang ilang hakbang ng pintuan saka ginawang pinihit niya iyon pabukas. 

"May tao ba dito?" hiyaw niyang tanong habang humahakbang papalayo sa kuwartong pinanggalingan. Pagbabayaran ng sino 'man ang gumawa ng walang pahintulot nito sa kaniya!

Nakakita ulit siya ng pinto kaya mabilis ulit niyang nilapitan.

"Please! Buksan ninyo ang pinto! Buksan ninyo!" dagdag pa niyang hiyaw kasabay ng pag kakalabog ng pinto nang paulit -ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Handsome Devil (Brotherhood Of Bos Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon