Forbidden

52 4 2
                                    

Nakayuko ako at nag-iiwas ng tingin sa kaniya. Kung ano-ano na isinusulat ko sa yellow pad ko! Napakaintimidating ng dating niya sa akin! He gives me chills whenever he looks at me. Yung tipong sa iba ay kinikilig ang mga babae pero sa akin? No way! Nakakatakot kaya!

Gwapo siya, oo. Hindi ko naman maitatanggi iyon. He's hot with his eyeglasses, sabi ng iba. Oh well they're right, kapag sumasagi sa isip ko iyon, kinikilig din naman ako pero sa tuwing nakikita ko na siya? My heart just couldn't stop beating fast! Malakabayong nasa takbuhan ang puso ko!

At hindi ko alam kung bakit. Yun ang problema ko.

Naiilang ako kapag titingin siya. Parang may kung ano sa mga mata niya na wala sa iba. Kung sa ibang lalaki, makikitaan agad ng emosyon kung titignan ko sila. Pero kapag siya na, wala na hindi ko na mabasa.

Kaya ko nga pinili ang BS Psychology dahil gusto kong malaman ang nasa isip ng tao base sa behavior at ang nais iparating ng mga kinikilos nila.

Kaso siya na yata ang pinakamagaling magtago! I think he mastered all of these or ako lang talaga ang may problema? I see him smile to other people. Sa akin din naman, actually madalas dati ngunit hindi ko naman sinusuklian. I just look away everytime at sa paggawa ko ng ganoon palagi, hindi na siya ngumingiti sa akin. Tititig lang siya sa akin hanggang sa ako na ang umiwas.

Kagaya ngayon. May tinatanong siya, nagpaparecitation. Nakapagreview ako kagabi, ayoko lang talagang sumagot! Nagtataasan na ng mga kamay ang mga kaklase ko pero hindi sila tinatawag ni Sir.

Naglalakad siya papalapit sa akin. OMG! Dadaan siya sa gilid ko!

Nakayuko pa rin ako. Hindi na natinag kahit magkastiff neck pa ako no! Bakit ba kasi napakahaba ng oras sa subject niya? 3 hours tapos MWF ang schedule. Dalawang oras na ang nakalipas, marami na siyang naitanong at nagdidiscuss din naman kaso may 1 hour pa huhuhu.

Madalang akong sumagot sa subject niya kung hindi ako tinatawag hindi ako sasagot, kaya baka mababa ako sa performance. Kahit bawing-bawi ako sa mga quizzes, activities at sa mga exams maaapektuhan pa rin ang grado ko. Baka magkaroon ako ng 2? Hala! Gusto ko pa naman maging cum laude!

Nang sa wakas ay nakalagpas na siya sa kinauupuan ko nakahinga ako ng maluwag at naiangat ko na ang ulo ko, nakakangalay din ha.

Nasa likod na siya, napangisi ako. Ligtas ka na naman Arianne! Nagdiriwang ang utak at puso ko sa loob! Haha! 

"Ms. Castillo" nanlamig ang kalamnan ko nang marinig ko ang apelido ko. Nakatingin na sa akin ang mga kaklase ko at sinesenyasan na akong tumayo.

"Y-yes sir?" Nauutal kong tanong. Naglakad na naman siya palapit sa akin at tinignan ako.

Ayan na naman! My goodness! Maisasalang na naman ako sa hotseat.

Matagal bago siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His eyes were looking at me directly, tumikhim siya bago nagsalita.

"Since it's dirty under your chair, you'll answer my question..." tinignan ko naman nang pasimple ang ilalim ng upuan ko. Madumi nga! Nilingon ko ang nasa likod ko at ngumisi siya sa akin. Grrrr! Pahamak ka talaga Billy! Bagay na bagay sa'yo pangalan mo! Napakabully mo bwisit!

Sinamaan ko siya ng tingin. Mamaya ka lang talaga sa akin ha!

Suminghap si Sir Priam kaya napalingon ako sa kaniya. Mukha siyang naiirita na base sa pagsimangot at pagkunot ng noo niya. Wow! Nakitaan ko rin si sir ng emosyon. Dati kasi kung hindi siya nakangiti, straight naman ang face niya. Poker face lang ganon.

Magsasalita na siya para sa question. Mukhang mahirap 'to ah? Kaya ko kayang sagutin?

"How do you define such thing as romantic love?" Tanong niya. Teka! Hindi naman 'to kasama sa topic namin ah? Bakit may ganito?

Forbidden(ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon