Bilang 2 - Pulang Sinulid

203 58 10
                                    

PULANG SINULID

Pilit akong kumakawala sa pagkakatali,
Sa pagkakagapos ng pagkakamali,
Pagkakamaling inibig kita,
Sa isang pagkakamaling minahal ka.

Pilit akong kumakawala,
Pinipilit kong mawala,
Ang ugnayang mayroon tayo,
Ugnayang sawang-sawa na ako.

Bakit pa ba tayo pinagtagpo ng tadhana,
Kung ang nararamdaman naman ay biglang mawawala,
Kung ang pusong nagmahal ay hindi na,
Hindi na sa iyo mapadama.

Pilit kitang tinatakasan,
Ngunit ang mahigpit na sinulid ay hindi ako pinapabayaan,
Pilit ako nitong hinahagkan,
Kahit na ikaw na lang ang may nararamdaman.

Ikaw na lang ang gumagapos,
Sa pagmamahalang naubos,
Sa nararamdamang hindi ko na madama,
Sa nararamdamang ikaw na lang ang nakakadama.

Mabubuhol at mababanat man ang sinulid,
Hindi ito mababali sa kaalamang lingid,
Sa katotohanang hindi mo pa ako binabali,
At pilit mo pa rin akong pinipili,

Tinatali mo pa rin ako sa iyong pagmamahal,
Kahit na gusto ko nang hindi tayo magtagal,
At gusto ko nang putulin ang pulang sinulid na pag-ibig mo,
Pag-ibig mong nakatali pa rin at hindi sumusuko.

_
rainpaintsrainbow

112220

Nepenthe's || A Poetry Anthology Donde viven las historias. Descúbrelo ahora