Bilang 4 - Giniling

137 48 14
                                    

GINILING

Sa pagkakasukat ko aabot ng tatlo,
Ngunit sa laki nito siguro mga isang kilo,
Mapupula pa naman at malaman-laman
Matataba at yung iba ay bilugan.

Sinundot-sundot ko kung pasado,
Medyo masarap ang matigas na parteng ito,
Masarap din itong maugat na malambot,
Siguradong ito ay manunuot.

Gumapang pa ang aking mga kamay,
At sa pagkapa muntik na'kong mangisay,
Nahawakan kona ang masarap na parte,
Paniguradong malinamnam itong karne.

Inabot ko kay kuyang tindero ang laman,
Napangiti siya ng ako'y masilayan,
'Magpapagiling ako sayo' sambit ko,
Kinuha niya naman ang karneng hawak ko.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang damit,
Mga mata ko ay tila naningkit,
Unti-unti sakin siya'y napalapit,
Nagulat ako ng pinatong niya ang kanyang kamay sa noo na parang may sakit.

Dahan dahang umalon ang kanyang katawan,
At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman,
Napatingin ang mga taong nasa paligid ko,
At doon kona nasampal si kuyang tindero.

Nakita kong nagulat ito,
Sabay ng pagkunot ng kanyang noo,
May mali ba'kong nagawa sayo?
Sambit ng inosenteng tindero.

'Magpapagiling ako sayo,'
'Hindi yung ako ang gigilingan mo,'
'Nakakahiya ka ang daming tao dito,'
'Reserve mo nalang iyan mamaya sa condo ko.'

_

Notes : DontMindThePenNam
112220

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now