SULYAP
Sinusulyapan kita,
Sa maghapon at umaga,
Masilayan lang mukha mong maganda,
Sa paaralan at kantina.Ngunit nang masilayan ka,
Mundo ko'y nawalan ng gana,
Sapagkat ikaw ay may kasama,
Isang taong pinapatawa ka.Oo, hindi tayo sa isa't-isa,
Kaya nga sinusulyapan lang kita,
Ngunit ngayon nasasaktan na,
Sa nasusulyapan at nakikita.Sa kaibigan ko pa,
Na minahal ko na parang pamilya,
Napakasakit pala,
Dahil gusto pa naman kita.Oo, wala akong karapatan,
Na kayo ay pakialaman,
Sapagkat ako'y taga-sulyap lang,
Sa matamis niyong pagmamahalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology