How Would You Feel

4 1 0
                                    

Inspired by: How Would You Feel by Ed Sheeran

You are the one girl,

You know that it's true.

I'm feeling younger,

Everytime that I'm alone with you

"Uy, ano? Free ka ba tonight? Labas naman tayo! Libre mo!" pangungulit ni Sevi. Naglalakad na kami pauwi galing school.

"Hahaha, ano? Ako na naman? Pero sige na nga malakas ka naman sa 'kin, eh." At nginitian ko s'ya. Hindi talaga ako maka-hindi sa babaeng 'to.

"Naks! Hahaha, sige ah. 7:00 PM. Pwede na?"

"Oo naman. Sige, sunduin na lang kita."

Sumilay sa labi n'ya ang tuwa nu'ng um-oo ako.

It's been 8 years na magkaibigan kami ni Sevi. Gan'yan s'ya. Makulit. Pero isa rin 'yon sa nagustuhan ko sa kan'ya. Well, lahat naman ng tungkol sa kan'ya ay gusto ko.

At nitong darating na sabado ang pang-siyam na taon ng pagkakaibigan namin.

Lagi kaming nagce-celebrate at kumakain sa labas.At dahil na rin siguro libre ko palagi kapag ayon Ang okasyon kaya palaging pumapayag si Sevi na mag-celebrate.

Hindi ko alam kung nalimutan n'ya 'yon o naghahanda lang s'ya ng something para i-surprise ulit ako. Gano'n naman s'ya lagi. Every anniversary namin lagi s'yang may effort sa pag-surprise sa 'kin. At sa'kin ang libre.

Kaya naman mas lalo ko s'yang minamahal.

6:40 PM pa lang pero papunta na 'ko sa bahay nila para sunduin s'ya. Gano'n talaga. Sobrang aga dahil panigurado ngayon, hindi pa kumikilos 'yon. Kahit s'ya pa ang nag-aya na lumabas kami.

Tok tok tok

"Sevi? Si Neil 'to... Sevi?"

"Argh! Bakit ang aga mo naman! Mamaya na! Maya-maya!" Sabi na eh. Hahaha, buti na lang may duplicate ako ng susi nito.

"Kaya nga nandito ako para paalalahanan ka, eh. Ano na? May napili ka na bang damit mo? Maligo ka na. I'll wait for you."

"Argh! Maaga pa nga! Mamaya na! Neil naman!"

"Halika na. Bumangon ka na. Mag-ayos ka na" tapos tinatanggal ko na ang kumot na nakabalunbon sa kan'ya.

"Argh! Ang kulit mo naman!" naiiyak na sabi n'ya.

Hays. Kahit gan'yan s'ya. Masaya naman ako. Alam ko kasi na s'ya lang ang babae na mamahalin ko. At alam ko rin na ako lang ang lalaki na gumagawa sa kan'ya nito. Ang lalaki na magpapasensya sa kakulitan n'ya. Ang lalaki na iintindi sa kan'ya palagi. Ang lalaki na hindi s'ya iiwan kahit anong mangyari.

"Sige ka, uuwi na ko. Kapag umuwi na ko, wala na yung dinner natin sa labas na libre ko. Bahala ka" mapang-asar na sabi ko.

"Ang daya mo naman! Inaantok pa ako eh!"

"Ahh, Okay. Sige uuwi na ako. Ayos lang naman na matulog ka muna"

"Neillllll!"

"Oh, bakit?" hahaha, alam ko na 'to. Tatayo na rin 'yan maya-maya. Alam ko naman na gusto n'ya rin yung dinner na libre ko eh. Hindi naman kasi s'ya nagluluto dito. Eh, hindi marunong, eh.

"Wag kang umuwi! Magdi-dinner tayo!"

"Eh, paano 'yon? Akala ko gusto mo pang matulog? Hindi ka pa nga naka-ayos, eh"

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jun 25, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

How Would You Feel | Short StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora