Masyadong Magaling

48 2 8
                                    


"It's easy to get negative because you get beat down. You go through a few disappointments and it's easy to stay in that negative frame of mind. Choosing to be positive and having a grateful attitude is a whole cliche, but your attitude is going to determine how you're going to live your life."

  

Kung sino pa yung akala mo kilala ka, sila pa yung sobra kung makapuna.

Yung mga taong kaibigan sa harap pagtalikod mo sila pa yung mapanira..

Nagpost ka lang, akala nila yun na yun, akala nila you really MEANT what you posted.


Eh ano ba kasi mapapala nila kakapanghusga, wala naman talaga silang alam sa kung anong story meron ka.

Lakas pa ng mga yan mag dagdag bawas ng kwento. Lakas maka-plastic akala mo totoo.

Nakakainis lang kasi, ang hirap kumilatis ng tunay na taong mapagkakatiwalaan. 

Minsan, napatanong ako sa Earth, why people are so judgemental in their baseless facts?.

Nakakatanga kasi, di ka man lang kinamusta, tinanong kung totoo ba?

Yung minsan kasi pwede namang maging makatao di ba?


Ganun na talaga yata ang sistema ng mundo, may mga bagay talagang wala sa ayos na pilit inaayos kahit alam nilang di na maaayos.

May mga taong sadyang ayaw maniwalang ikaw ang may gawa kasi ang galing ng pagkakalikha. 

Mga bagay na kathang isip ng may lagda pero nakuha ng iba kaya naging iba, akala totoo na pero binago lang pala.


Nakakalungkot isiping imbis na suporta naging hinala.

Yung papuri naging mapanuri. Yung tiwala nawala.

Ganun ba talaga? Pag di mo alam tanga mo na, pag ginalingan wala na finished na?

Yung walang alam tapos bigla kang pinalagan sasabihing ay nandaya yan.


Hirap sa tao noh? gagawa ng komento tapos di pa makuntento hanggat di ka nasisiraan ng husto.

Siguro kasi ang galing mo, kaya ang daming naiinggit sayo.

Siguro kasi nakikita ka nilang kaya mo lahat kaya nakaka-insecure na pag kasama ka?

Siguro kasi gusto nilang maging ikaw kaso nga kakaiba ka kaya di nila magaya.

Siguro dahil dun masyadong magaling ka na para sa kanila kaya nagkaganun.


Sabihin nating magaling.. masyadong magaling, yung papuri na nakuha pag nagkamali yung kung anong husay mo siguradong sira.

Yung matatamis na salita naging mapakla.

Minsan talaga mas okay pang wag magsalita, mag post, mag komento, at mag kwento kasi wala silang makikita.


Sana lahat pwede maging maayos, pwede mai-raos, yung pwedeng sabay lang sa agos at lahat ng masakit maging magaling pag natapos.

Ang tao talaga naman minsan di man kinulang kadalasanan namang nasosobrahan.

Pwede naman sanang wala nalang pakialamanan. 


After all, sino ba ang masyadong magaling? 

Yung ikaw na ginagawa mo yung  gusto mo at alam mong tama ka mga bagay - bagay?

O kaya naman sila na walang sawa kakasubaybay ng mga bagong pangyayari mo sa buhay? 

Yung ikaw na naghahanda nagpaplano sa bukas na paparating para pagdating may ihahain?


O sila na na nag aabang at naghihintay kung kailan ka nila sisirain?


Pero kung magaling kang talaga, mag a - agree ka pag sinabi kong hayaan mo sila.

Kasi wala ka ring mapapala kakadepensa sa sarili mo, kakapaliwanang mo sa side mo.

Eh kahit anong gawin mo talagang may masasabi ang mga tao gusto mo man o hindi.

Mas madali kasing tanggapin nalang, tapos sabay baliwalain yung mga negatibo.

Kasi di naman nila alam na hindi sa kanila umiikot ang mundo mo, kaya ayos lang.


Hayaan mo silang magmukhang tanga kakapuna. Magsasawa din yan at mapapagod.

Pag nangyari yun, yung buhay mo still on - going, pero sila dun pa din sa kung saan tinapos mo nang daanan at kasalukuyang nilalagpasan. 


Undefined TitleWhere stories live. Discover now