ULAN
Umiiyak ka na naman,
Na parang walang katapusan,
Ano bang problema mo?
At ang mga luha mo ay parang bato.Ano bang nangyari sayo?
Iniwan ka ba o niloko?
Ang dami kasi ng luha mo,
Na pumapatak sa paligid ko.Gusto mo bang payuhan kita?
O di kaya patatawanin ka,
Ngunit di ko alam ang iyong problema,
Paano ka kaya titigil sinta.Hay naku! Paano ba?
Humupa ka na at matuwa,
Mahal kong ULAN kailan ka titila,
Ngayon,bukas ba? O mamaya?
YOU ARE READING
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology