PROLOGUE

23 3 2
                                    

"CARINA RIEL!" sigaw nya sakin na nakapagpatigil sa paglalakad ko. Lumingon ako kung saan ko narinig nagmula ang sigaw nya. Nakakapag taka dahil 'Carina Riel' ang tinawag nya sakin.

Ngumiti ako at kumaway sa tao iyon, ngunit hindi ngiti o yakap ang sumalubong sakin. Nagulat ako at nabigla. Humarap ako sakanya na may pagkagulat at nagtatanong na mata.

"Bes, bakit?" di makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Bakit mo ko sinampal?" oo, sinampal nya ko. At mas nakakagulat pa dun ay umiiyak sya.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa pagtawag mo saking 'bes', Carina?" may diin nyang sabi sa salitang  'bes'

"Hindi kita maintindihan... anong ginawa ko?" tanong ko sakanya. Bigla syang natawa sa tanong ko, di ko na sya kilala. Para syang baliw.

Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari... Bigla nya kong sinampal sa kaliwang kong pisngi.

"Yan para sa pang aagaw mo kay Stephen." galit na sigaw nya pagkatapos nya kong sampalin "At eto para sa pagsira mo sa pagkakaibigan natin." sabay sampal.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.

"Viene, anong pinagsasabi mo?" naluluhang sabi ko sakanya. Mapakla syang natawa.

"Alam ko na! Oo! Alam ko na, Carina. Wag ka ng pagpanggap na kung sinong santa at mabait." gigil nyang sabi sakin.

"Malandi ka! Sulutera! Walang hiya! Ahas! Akala mo kung sino kang hindi makabasag pinggan. Nasa loob pala ang kulo mo—" Akma ko syang sasampalin ngunit na pigilan ko. Ayokong saktan ang bestfriend ko.

"Bakit hindi mo ituloy? Ayaw mo kong saktan? Ha! Ituloy mo!" sigaw nya sa pagmumukha ko. At mas lalong inilapit ang kanyang mukha.

"Viviene, hindi ko inaagaw sayo si Stephen. Oo, aaminin ko may gusto ako kay Stephen pero pilit kong inaalis sa utak ko at sa puso ko si Stephen para sayo! Dahil mas mahalaga ka kesa sakanya! Dahil best friend kita." umiiyak kong sigaw sakanya. Pero tumawa lang syang parang baliw.

"Inaalis? Para sakin? Sinong niloloko mo, Carina? Hindi ako tanga! At mas lalong hindi ako bobo!" sabay sampal sakin. Sobra hapdi na ng pisngi ko.

"Tandaan mo itong araw na to, Carina Riel Mori. Isinusumpa ko! Isinusumpa kita na kahit kailan hinding hindi ka magiging masaya! Lahat ng taong mamahalin mo mamamatay! Iiyak ka, hanggang sa puntong tatapusin mo na yung buhay mo! Hindi mo deserve na maging masaya, at sisiguraduhin kong hinding hindi ka magiging masaya." sigaw nya sakin bago umalis sa harapan ko.

At nang araw na yun, parang ibang tao ang kaharap ko. Parang hindi sya ang Viviene na nakilala ko na mahinhin at masiyahin.

At simula noon...

Nagbago na ang lahat...

*~*

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Also this book contains typographical errors and grammatical errors.

Plagiarism is a crime.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death's Curse Where stories live. Discover now