Hoy Bata!

36 3 0
                                    

Hello, in-unpublish ko muna ang story kong I Need to Find My Crush dahil ginagawa ko pa yung ibang chapters. Sorry, ito na lang muna hehehe.

And this story is inspired by MarincethBlue. Check out her one shot stories! I really love it.

-Author :)

°=°

Break time namin ngayon at papunta na sana ako ng cafeteria kaso...

"Hoy bata!" Tawag sa akin ng lalake sa likod ko.

"Hindi ako bata!" Lumingon ako at nanigas sa kinakatayuan ko, si Craig na naman. Siya ang masungit kong crush.

Hindi siya nag-salita.

"Ano ba problema mo?!" Sigaw ko sa kanya at lumapit ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

Ay! Ako pala si Amber ang may crush kay Mr. Craig na masungit.

"Ang panget mo!" Sabi habang tumatawa at napahawak sa tiyan niya dahil sa sobrang tawa.

"Kung ayan lang ang sasabihin mo aalis na ako, sinayang ko lang oras ko." Pag-tataray ko dito at umalis na.

"Oh bff, nandiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Amy habang napahawak siya sa tuhod niya halatang tumakbo.

"Ah bf-" hindi na natuloy ni Amy ang kaniyang sinabi dahil may tumawag na naman sa akin.

"Hoy bata!" Ayan na naman siya! Nakakainis na, ah!!!

"Ano na naman ba ang problema mo?! At hindi ako bata!!!!!!!" Sigaw ko rito dahil sa inis. Siniko naman ako ni Amy na nakangisi, alam niya kasing crush ko yung nasa harapan namin.

"Ah bff, una na ako sa cafeteria." Sabi ni Amy. Ugh!! Nakakainis talaga siya tapos umalis na.

"Tara sa cafeteria ililibre kita, panget." Okay na sana kaso may 'panget' pa. Hinawakan niya yung kamay ko at nag-lakad na.

WAHHHHHHH! Papa, hinawakan ng crush ko kamay ko!!!!!! Mukha akong tanga na nakangiti habang magkahawak kami ng kamay. Kinikilig ako!!! Tapos ang soft ng kamay niya. May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Nang makarating kami sa cafeteria. Halos lahat ng mga istudyante nakatingin sa amin dahil magkahawak ang aming kamay. Well, wala akong pakialam sa kanila basta hawak ko kamay ng crush ko. Hinanap ko agad si Amy gamit ang aking mata at hindi naman siya mahirap hanapin dahil may kasama ito, yung boyfriend niya dahil sa lakas ng tawa ni Amy nakita ko agad siya.

"Puntahan natin si Amy." Hinablot ko siya papunta kina Amy sumunod naman siya. Hindi naman naghiwalay kamay namin. WAHHHHHHHHHH ayoko pa mamatay sa kilig, asawahin niya muna ako bago ako mamatay.

Nakarating kami sa table ni Amy. Nakita kong lumaki ang mata ng bff ko dahil sa nakita niyang magkahawak ang kamay namin. Tumingin agad siya sa akin alam ko agad kung ano ang tanong niya sa akin "Kayo na?" Agad akong umiling sa kanyang tanong niya at ngumiti na ulit siya.

"Amy, bro, dito din kami kakain, a. Bibili lang kami ng pagkain." Sabi ni Craig tumango naman yung dalawa at umalis naman kami pupunta na ng mabibiling pagkain.

Update: magkaholding hands parin kami. Kinikilig parin ako.

"Ano ipapabili mo?" Tanong niya sa akin, nakatingala ako sa kanya dahil ang tangkad niya tapos siya nakayuko para makatingin sa akin. WAHHHHHHHHH ang pogi talaga niyaaaaaa.

"Onti lang naman. 2 Chuckie at 2 na biscuit. Kasama na din yung sa 'yo dun kaya dalawa." Sabi ko sa kanya.

"'Yun lang? Isip-bata ka pa rin talaga." Sabi nito kaya pinalo ko ng hindi malakas ang braso niya.

Hoy Bata! (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon