Last One

12 3 0
                                    

Her P. O. V.

Bored na bored akong nakatingin sa kanya habang may kausap sya sa telepono. Busy na naman sya sa pagkausap sa girlfriend nya na mas madami pa atang kalandian kesa kaibigan. Ang girlfriend nyang harap harapan na syang niloloko pero never nyang sinukuan. Ang girlfriend nyang kahit gano kasama ang ugali never ng binitawan. Ang girlfriend nyang ginagago na sya pero patuloy nya paring minamahal.

E ako? Sino ba ako laban sa girlfriend nya? Ah! Oo, ka trabaho. Ka love team, sabi pa ng iba. Pero sa kanya? Isa lang akong babaeng dahilan ng pag aaway nila ng girlfriend nya. Isa lang akong babaeng tinik sa lalamunan nya. Isang babaeng pang gulo sa pang araw araw ng buhay.

Pero ang totoo? Isa akong babaeng palihim na nag mamahal sa kanya. Yung babaeng pinaghahawakan ang pangakong matagal ng pinako. Yung babaeng umaasang babalik sya sa dating sya. Sa totoong sya. Yung babaeng kahit araw araw nyang murahin at pag salitaan ng masama patuloy na susunod sa kanya ng nakangiti. Yung babaeng pagagaanin ang loob nya kahit ang sakit sakit ng sinasabi nya. Ako yung babaeng mamahalin sya... kahit wala na syang maalala.

Natigil ang pag mumuni muni ko ng bigla syang sumigaw sa harap ko.

"Are you stupid?! Kanina pa tayo tinatawag para sa next scene! At kanina pa kita tinatawag! You're wasting our time!" - singhal nya sakin.

Ngumiti lang ako sabay tango at ngiti sa kanya "Hehe pasensya na may iniisip lang, ikaw naman miss mo ko?" biro ko kahit ang sakit na.

Pinukulan lang nya ako ng masamang tingin sabay mura ng malutong at lakad papunta sa area kung saan gaganapin ang next scene.

"Ok lang yan, sanay ka na. Lagi namang ganto. Dapat sanay ka na" mahina kong bulong sa sarili ko sabay hinga ng malalim at hinanda ang ngiti na prinaktisado ko para sa gantong eksena.

Sumunod na ko sa kanya habang naka plaster pa rin sa labi ko ang ngiting nagpapaniwala sa lahat na ok lang ako.

So, ngayong araw nag te taping kami ng music video ng kanta namin. At ang eksena nakita ko kung pano sya iniwan nung babaeng mahal nya at susubukan syang pasayahin.

-First Scene-

~Oh-oh-oh
Oh-oh-oh
Sabi, sabi na sa ‘yo eh
Oh-oh-oh
Oh-oh-oh
Sabi, sabi na sa ‘yo eh~

Nakipag hiwalay na sa kanya ang babae at iniwan syang mag isa sa. Dun na ako pumasok sa eksena.

~‘Yan, ‘yan, ‘yan kasi
Sana’y pinakinggan mo na lang ako
Payo ko’y winalang-pake
Nasaktan ka na naman, tamo
Bakit ba pinipilit ang sarili
Kita mo naman may iba na siyang napili
Darating din naman ang nararapat sa ‘yo~

Ang mga susunod na eksena, wala akong ibang ginawa kundi pasayahin sya piliting alisin yung sakit na nararamdaman nya. Basically ako lang ang nakanta. Pero sya ang leading man at ako ang leading lady nya. May mga part ng tugtog na sasayaw kami kasabay ng tunog ng kanta ko. Andun din yung magaganda nyang ngiti habang nasayaw . You can see how passionate he is while dancing. Yung pati mga mata nya nakangiti sa sobrang saya.

~Ba’t ayaw mong ako na lang kasi eh-eh
Sabi na sa ‘yo, sabi, sabi na sa ‘yo eh
Kung hanap mo pag-ibig ay andito lang ako eh
Sabi na sa ‘yo, sabi, sabi na sa ‘yo eh
Ako na lang kasi…~

Pero syempre natatapos ang lahat. Tapos na yung pagngiti nya sakin na parte lang naman ng script. Tapos na yung pagpapanggap na ayos kami. Kasi ganun sa harap ng camera. As long as ayos kayong tignan wala na silang pake sa totoo nyong nararamdaman.

Nag pack up na sila, at kita ko syang inaayos ang gamit nya ng bigla syang humarap.

"Just this once, shut up ok? I don't care to whatever you gonna say. I don't give a damn. So leave and don't bother the hell out of me!" dirediretso nyang sabi habang masama ang tingin sakin. Ngingiti pa lang ako at magsasalita ng umimik na naman sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last oneWhere stories live. Discover now