Prologue

21 0 0
                                    

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!

............................................................................

M.....A...M-M....A.......M.......A........A...........!..!.!.

BILIS! BILIS! BILIS! BILIS!BILISAN NYO!!!

..JJ...J-JU..S....K.....O.....!...!...!..L..IG.....TA--

*beep**beep**beep**beep**beep**beep*

[Uy, may bagong dating oh]

A..no....p-po.....na..ng...ya.r-ri...?.................

[...Hihi nakita ko syang nag-..]

Hindi namin alam!*hik* Hindi namin alam!

[...Ano ba! Ang sabi ko....]

[...Haha loko ka talaga! kahit sabihin mo hindi ka rin marini...]

[..Bakit kasi ayaw nilang buksan ang...]

..........................................................................

Raise to 360 joules

...........................................................................

[...Ayan na..,]

............................................................................

Please!

______________________________________

Madilim ang buong paligid, wala ni isang tuldok sa langit at parang hangin ang kanyang tinatapakan.

Lahat ay kulay itim.

Ganito na ang eksenang kanyang nadatnan simula ng namulat ang kanyang mga mata...o bumalik ang kanyang katinuan?

Sinubukan nyang maghanap ng mapagtatanungan at tumawag sa kawalan.

Walang sumasagot.

Wala kang maririnig ni katiting na tunog. Wala ring maramdaman na buhay sa paligid.

Di mawari ang kanyang kinalalagyan na tila walang hanggan ang dulo ng kadiliman.

Tanging kanyang boses at ang kanyang sarili ang naroroon sa lugar na iyon.

Kinilabutan sya sa ganung ideya.

Sa di kalayuan, eksaktong diretso sa kanyang harapan, ay may naaninagan syang isang puting liwanag na tila parang lagusan.

Kahit papaano ay mejo napanatag ang kanyang loob ng makita ang liwanag na iyon

Walang pag-aalinlangan at sinimulan na nya maglakad patungo doon. Ayaw na nyang magtagal sa kanyang kinatatayuan.

Ayaw na nyang maramdaman ang lamig at kalungkutan.

isang minuto...dalawang minuto...tatlong minuto

Sa umpisa ay naglalakad lamang sya patungo sa paroroonan ngunit...

isang oras...dalawang oras...tatlo?

Hanggang kailan matatapos ito?

Nang mapansin nyang hindi sya makalapit ay nagsimula na syang magtatakbo.

Sa unang tingin ay akala nyang malapit lang ang liwanag na ito pero bakit sa tinagal-tagal nyang paglalakad ay hindi pa rin nya nararating?

Ilang oras...................................ilang araw?

Hindi nya alam.

Hindi rin nya alam na minsan may mga tinig na bumubulong sa kanyang pandinig.

Hindi rin nya alam na minsan sya'y nakakatulog at nananaginip.

At habang tumatagal ay hindi na nya alam ang pagkakaiba ng araw at gabi.

Wala na syang alam.

Shiiiit...pakshit

Pag-alala. Takot. Galit. Pagkabagabag. Pagkalungkot.

Ayoko! Ayoko na dito!

Pighati. Pagkalumo. Pagkabalisa. Pagkapraning. Pagkabaliw.

P*tang ina! Ilabas nyo na ako dito.

Pagkamanhid.

.................................................

Sinilayang muli ng mga namumugto nyang mga mata ang lagusan.

Hindi nya alam kung sya ay gising o nanaginip sa panahong iyon.

.................................

Pero alam nyang pagod na pagod na sya.

Hinayaan na nyang lumutang ang kanyang katawan sa kawalan. Sa katunayan nga ay ngayon lamang nya napagtanto na wala syang tinatapakan.

Naglakad at tumakbo sya ng ilang oras...ng ilang araw? ngunit wala pala syang nilalakaran.

...hah.....

Natawa na lamang sya sa sarili.

Inilangoy nya ang kanyang katawan sa dilim na parang nag lalaro sa himpapawid.

Wala na rin naman syang magagawa, wala na syang ibang mapupuntahan.

Hindi naman siguro sya magugutom o maj-je-jebs man lang.

Sa isip-isip nya ay tinanggap na nya ang kanyang kalagayan.

Hanggang may napansin syang kuminang malapit sa kanyang kinalalagyan.

Sa dagat ng dilim, hindi nya talaga ito mapapansin. Napakanipis nga naman kasi ng bagay na ito.

Hinawakan nya ito para makita ng malapitan.

Isang puting sinulid.

Nakapagtatakang may ganitong bagay sa ganitong lugar.

PInaglaruan nya ito sa kanyang mga daliri. Iniikot-ikot at hinatak-hatak.

Nakapagtataka at hindi man lang ito putol-putol.

Pinagmasdan nya itong mabuti.

Kasing nipis lamang ito ng isang hiblang buhok, ang texture nya ay parang nylon at ang kulay nya...

Hindi lang pala ito puti. Ang itsura din nya ay parang kumikinang na dyamante.

Biglang napaangat ang kanyang mukha at tinitigan ang lagusan.

Sinundan nya kung nasaan ang kadulu-duluhan nito.

Aba...akalain mo

Ang dulo nito ay nasa kabilang puting lagusan.


Can't You See?Место, где живут истории. Откройте их для себя