Uno

17 1 0
                                    


.

"Manong.,sa Helsing Hotel po.!"

Sabi ko sa driver.

Pinaharurot naman agad ni Manong yung taxi.

Nilalamig ako.

Palagi nalang pag pauwi na ako.

Nasa tapat ako ng hotel.

Isang hakbang......
Tingin sa taas.


..
Ilang araw nadin ng makita ko ang babaeng yun.

Nakabitin sa ika-5 palapag sa labas ng bintana nya.

Di na naabutang buhay.

"Divina."pakinig kong may tumawag sakin.

Nilingon ko.

Walang tao.



Gumagana na naman ang imahinasyon ko,na wala nang ginawa kundi gumawa ng kababalaghan.


Gumagawa ng bagay na ako lang ang nakakarinig at nakakaalam.





.....




Papasok na ko sa kwarto kung saan ako naka check in.




Room 622.






.
Lumingon ako kung nasaan yung kwarto nung babaeng nabanggit ko kanina.

Napangiti ako.



Hindi sya namatay ng malungkot.





Pumasok na ako sa kwarto ko.

Sinindihan yung sigarilyong nasa tabi ng bintana.





Magpapalamig ako ng ulo .


Pupuntahan ko pa sya.



Si Aya.






....
Kinuha ko yung natitirang alak sa loob ng ref.






Malamig.

Gaya ng pakikitungo nya sakin.





Maghintay sya at paniguradong iinit na ulit ang pakikitungo nya sakin.








Napatingin ako sa bintana.

Natatanaw ang mga gusaling naglalakihan at nagpapataasan.





Kinuha ko yung kutsilyo at pumunta sa harap ng kalendaryo.




Ngayon ang araw na pinakahihintay ko.




Araw ng pagsasaya ko.


Ang pagsasaya namin.






Nilagyan ko ng ekis yung numerong 6 gamit ang kutsilyo na kapit ko.





Malapit na din kayong magsama ni Karina.

Magiging masaya na ulit sya.




Hinubad ko yung jacket ko na kanina ko pang suot.

.
.
.
.

Nandito padin yung mga peklat.



Napangiti ako.



Madadag-dagan na naman sila.




Kinuha ko yung gurdle.

Sinuot ko at pinatungan ito ng maluwag na t-shirt.











.

6:39 p.m.



Anim na oras pa.



Anim na oras ng paghihintay.





...

..
...
.....




.
.
.
..

.
..

..

.

..

....



Nagising ako dahil sa katok na narinig ko.





Anjan na sila.




Binuksan ko ang pinto at pumasok naman sila sa loob ko.









.
Maisasagawa ko na ang matagal ko nang hindi nagagawa.




Sinarado ko yung pinto at tumingin sa paligid.




Wala akong kasama.



Nag iisa na naman.









Ngumiti ako.





Ngiti ng isang sabik na demonyo.






















12:00 p.m.

ROOM 622 [One-Shot]Where stories live. Discover now