Giving Up

14 0 0
                                    

ENJOY READING!

Kiana's POV

"Gio!" Tawag ko sa crush ko. Napalingon naman siya sa gawi ko kaso biglang sumama yung itsura niya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Ano nanaman?" Asar niyang tanong sakin.

"Pinagluto kita hehe. Masarap yan!" Masigla kong sabi sabay abot sakanya ng lunch box na dala ko.

Pero imbes na kunin niya, tinabig niya lang iyon.

Nalungkot naman ang mukha ko dahil dun.

"Hindi ako mahirap para pagdalhan mo ng ganiyan. Tigilan mo na nga ako." Sabi niya sabay alis. Tinignan ko yung mga taong nakatingin sakin.

Another kahihiyan nanaman ba yung ginawa ko? Crush ko lang naman siya kaya ako ganun eh.

Hays. Sanay nako sa ganito kasi lagi niyang ginagawa sakin ito. Hindi naman ako napapagod kasi crush ko siya. Gagawin ko lahat para sakanya.

Naglakad ako habang nakangiti kahit masakit. Pagpasok ko ng classroom umupo agad ako sa upuan ko.

Nag iisip ako kung ano naman gagawin ko bukas para sakanya.

K I N A B U K A S A N

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ni Gio. May dala kasi akong explosion box para sakanya. Pinagpuyatan ko ito kagabi kaya para akong panda ngayon sa laki ng eyebags ko.

Nang makarating ako nakita ko agad siya na nakaupo sa dulo.

"Gio!"

"Gio!"

Sinamaan niya ako ng tingin bago naglakad papunta sakin.

"Hi!" Bati ko sakanya.

"Kiana, ano nanaman ba?" Naiirita niyang tanong kaya napanguso ako.

"Ibibigay ko lang ito sayo. Ginawa ko yan kagabi." Sabi ko sabay abot sa kanya ng explosion box.

Kinuha niya yun kaya natuwa ako. Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya kaya tinulak niya ako pero it's okay!

Tumalikod na siya. Nawala lahat ng saya ko nang makita ko na tinapon niya yun sa basurahan. Hindi manlang niya muna tinignan.

Umalis nako dun kasi baka makita niya pa ako na umiiyak. Baka isipin niya pa nag papaawa ako.

Nung makalayo ako hindi ko na napigilan yung luha ko. Ang sakit kasi eh. Pinag puyatan ko yun kagabi tapos tinapon niya lang? Pero wala naman siyang kasalanan kasi ako may gusto nun. Hays.

Umupo muna ako sa bench. Parang nanghihina yung tuhod ko. Humagulgol lang ako dun. Wala akong pake sa mga estudyante na tumitingin sakin.

Bakit ba kasi hindi niya ako magustuhan? Ginagawa ko naman na lahat eh. WAAAAAAAH!!!

"Miss, are you okay?" Napatingin ako sa lalaki na nasa harapan ko. Pogi ah.

"Mukha ba akong okay sayo?" Tanong ko habang humihikbi kaya natawa siya sakin.

"Here." Abot niya sakin ng panyo.

Kinuha ko naman yun.

"Why are you crying?" Tanong niya.

Kinwento ko sa kanya kung bakit kaya binigyan niya ako ng advice.

____________

Sinasamahan nako lagi ni Kean. Yung lalaking inabutan ako ng panyo. Naging friends kami.

One Shot StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt