Chapter One

56 3 21
                                    

Note

This is a work of fiction, names, characters, events, businesses, places, and incidents are either the products of  the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.

Enjoy reading! 💓

-------------------------------------------------------------

"Okay class. Listen. I have an announcement to make." bungad ng prof. namin sa "Philosophy of Man" na kakarating lang.

"Hindi na ako ang magtuturo sa inyo nextweek--" hindi pa tapos sa pagsasalita si sir pero yung mga kaklase puro nagreklamuhan na. Mabait kase na professor si Sir Marvin. Hindi kami inaantok pag klase nya na, hindi tulad ng ibang prof. namin na nakaantok magturo.

"Quiet!." sigaw si Sir samin kaya napatahimik yung mga kaklase ko.

"Hindi na ako magtuturo sa inyo nextwk dahil inilipat ako ng ibang department. Wala daw kaseng magtuturo sa kanila ng isang subject kaya ako ang kinuha nila."

"Sir pano naman kami? Edi kami ang mawawalan ngayon ng prof. sa Philo. Hindi naman tama yun." pagrereklamo ng kaklase kong si Dianne.

"You have a new teacher. At nextwk na rin sya dadating dito at--"

"Edi sya nalang ang magturo don sa lilipatan nyo. Sir wag ka naman pumayag. Wag nyo naman kaming iwan." nagmamakaawa namang sabi ni Glenn kay Sir. Hindi namin masisisi ang mga kaklase namin na wag palipatin si Sir ng ibang department dhil parang kuya na kase namin si Sir kong tutuusin. He's only 27 y/o at wala kang masasabi sa kanya. Madali syang lapitan sa kahit anong bagay.

"Im sorry class. Pero wag kayong mag alala kase magkikita at magkikita parin naman tayo." sabi ni Sir pero hindi iyon nagpabago sa mga emosyon ng mga kaklase ko.

"San po bang dept. kayo magtuturo?" tanung ko kay Sir.

"Sa isang kabilang campus lang." sagot ni Sir kaya lalo kaming nadismaya. Sa kabilang campus? Ibig sabihin babyahe pa kami ng kulang kulang 3 oras para lang makarating don.

"Ang daya naman Sir." sabi ng katabing ko si na Jane.

"Mamimiss ka namin Sir. Wag ka na po kaseng umalis." pagmamakaawa naming lahat.

Graduating na kase kami ngayon kaya nalulungkot kami na hindi na namin makakasama si Sir Marvin.

"Sige eto nalang. This coming weekend, lalabas tayo. Magsswimming tayong lahat. Libre ko." medyo nag ingay lang ang mga kaklase pero bigla din silang tumahimik. Hindi kase namin talaga matanggap na aalis na si Sir Marvin.

"Mabait din po ba yung papalit sa inyo? Babae po ba o lalaki?" sunod sunod na tanung ni Dianne. Sya kase ang babaeng di nauubusan ng tanung.

"I hope so. And hindi ko pa alam kong sino ang papalit sakin and i really don't know kung ano ba ang itsura niya. Basta wag kayong magbago. And im sure makakasundo nyo rin yun. Okay?" masiglang sabi ni Sir samin. Nagstart na si Sir ng kaklase at napuno lang ng biruan at tawanan ang classroom namin. Mamimiss talaga namin ng sobra si Sir Marvin.

---

5days left

"Sayang nu' bakit kase si Sir Marvin pa ang ililipat. Pwede naman yung ibang teacher na tamad magturo, o yung ibang nakakaantok magturo." reklamo ni Dianne samin habang kumakain kami sa canteen.

"Onga e. Mamimiss ko talaga si Sir Marvin kase dba parang kuya na natin sya pag nasa labas tayo ng room." sagot ko.

Bigla kaming napahinto sa pagkkwentuhan ng marinig naming nag uusap sa kabilang table sina Bella.

MARKO S. SEBASTIAN (PUBLISHED)Where stories live. Discover now