Hear me out.

74.8K 4.4K 1.2K
                                    

 

Originally written and published last August 16, 2014


✄. . . . . .


Blythe


Napasinghap ako nang makita ko ang isang lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Malayo pa lang siya, natatanaw ko na ang matamis na ngiti sa mukha niya. Malayo pa lang, kilalang-kilala ko na kung sino ito.


Mabuti naman at nagkaroon na siya ng lakas ng loob na makipagkita sakin.


Mukha siyang bata sa asta niya kahit na ubod siya ng tangkad, ang cute talaga niyang tingnan. Pero alam ko ang totoo, ang ngiting nakakurba sa mukha niya ngayon ay pawang kalokohan. Kasinungan. Bullshit. Pure bullshit at its finest.


Isang taon narin.


Isang taon na nang huli kaming magkita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanya kaya huminga na lamang ako ng malalim at ngumiti ng pilit gaya ng ginagawa niya.


Nilalag niya sa sahig ang backpack na araw-araw niyang bitbit. Sa dami ng libro sa loob, buti nalang di pa siya tuluyang nagiging kuba. Pero kahit maging kuba man siya, aba! siya na ang pinaka-poging kuba sa buong mundo.


Balot ng nakakailang na katahimikan, umupo siya sa tabi ko at napatingin sa kawalan. Hindi niya man lang ako magawang tingnan. Pero kung siya kaya niyang 'wag tumitig sa mukha ko, ako hindi. Kailanman ayokong makalimutan ang mukha niya kaya walang sawa ko itong tititigan. Matapos ang mga nangyari, pakiramdam ko alaala nalang ang meron ako.


"Hindi ko alam anong sasabihin ko." Nakangiti siya habang nagsasalita pero napakatamlay ng boses niya. 


"Dont worry Felix, pareho lang tayo," pabiro kong sambit at napatitig na lamang sa kawalan. Now this is awkward. 


"Sa totoo lang, galit ako sayo." Dumungo siya at tuluyan nang natanggal ang ngiti sa mukha niya bagay na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.


"Bakit ka nagagalit sakin? hindi--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang inilabas niya mula sa bag niya ang isang bote ng papaubos ng alak at ininom niya ito mismo sa harapan ko. Sa harapan ko mismo! Bastos! Alam niyang ayokong umiinom siya pero ginawa niya parin. Pero alam kong wala na ako sa lugar para pakialaman siya matapos ang mga nangyari.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Parang alam ko na kung bakit siya galit...

Dahil lang ba dun isang taon niya akong nilayuan?

Aba! Aba! Aba! Hindi naman tama 'yon!


"Alam mo bang hinintay kita nang gabing 'yon pero hindi ka dumating?" Pinunasan niya ang labi niya gamit ang nakakuyom na mga kamay.


"Felix naman! Hear me out--"


"Blythe may usapan tayo!" giit niya kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko. Kailan ba ako pagsasalitain ng lalakeng 'to?


"I said hear me out! Wait lang! Mahina ang--" Muli akong natameme nang makita ko ang tuluyang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya.


We've known each other since we were kids. He's tough and optimistic. He has always been. Truth be told, parati kaming nag-aaway mula pa noon kasi nawi-weirduhan ako sa araw-araw niyang pagngiti. Kahit na nakapaapak na siya ng dog poop o kahit na naka-zero siya sa math quiz, nakangiti parin. Naaalala ko tulo'y noon sabi niya, "Galit na ako, tumahimik ka na Blythe." pero ang loko, hayun at nakangiti parin. Kahit nga siguro atakihin siya sa puso eh nakangiti parin. Well, i'm exxagerating but the point is, this is the first time na nakita ko siyang umiiyak at ang masaklap, ako pa ang dahilan.


"I'm sorry okay? There I said it." Masakit sa pride mag-sorry sa isang bagay na wala naman akong kasalanan pero kung tutuusin, importante siya sakin. Mas importante siya sa pride ko. I'd rather lose my pride than lose him.


Ginulo ko ang buhok niya at pumikit siya nang gawin ko ito. Nagalit yata lalo. Ayaw na ayaw niyang ginugulo ko ang buhok niya eh pero kahit ako naman din eh, ayoko rin. Yucks kaya, dami niyang gel na nanilalagay sa buhok niya nakakakilabot sa kamay. 


"Blythe bakit? Sumagot ka bakit?" Muling bumuhos ang luha niya. Hindi ko alam kung maawa ako sa kanya o maiinis, kanina ko pa kasi sinusubukang magpaliwanag pero hindi naman niya ako pinapakinggan. 


"Hear me out." Napabuntong hininga na lamang ako. "Felix just hear me out. I want to tell you everything but you wouldnt listen so please hear me out okay?" Pakiusap ko at nakita kong niyakap lamang niya ang tuhod niya at ibaon ang mukha niya dito.


"Last year dapat talaga sisiputin kita sa date natin sa amusement park. Look, oo na! aaminin ko! Mahal rin kita! Mahal kita mula pa noon! Duh?! Bakit naman kita hindi sisiputin--" Natigil ako sa pagpapaliwanag nang makita kong ibinalik niya sa loob ng bag niya ang bote ng alak na para bang naghahanda na siyang umalis.


I asked him to hear me out, but it seems like he has no plans at all.

He wont listen. He never will.


"Blythe bakit mo ako iniwan? Akala ko ba hinding-hindi mo ako iiwan?" Muli niyang sambit at dahan-dahang hinaplos ang lapida ko. Napatingala siya sa kalangitan habang pinupunasan ang luha niyang walang tigil sa pagbuhos, "Siguro isang pagkakamali 'tong pakikipagkita ko sayo ngayon. Isang taon na ang lumipas pero hindi ko parin tanggap ang nangyari. Blythe, miss na miss na kita."


Ay oo nga pala.


For the nth time, pakiramdam ko sinampal ulit ako ng malagim na katotohanan. Muntik ko nang makalimutan, one year ago, namatay ako matapos akong ma hold-up habang papunta sa amusement park kung saan dapat kaming magkita.


"Felix patawarin mo ako. Miss na miss nadin kita. Nakikita nga kita hindi mo naman naririnig ang mga sinasabi ko. Felix, kung alam mo lang...." Namalayan ko nalang, lumuluha narin pala ako.


Masakit.


Kahit na anong gawin ko, hindi na niya kailanman mapapakinggan ang paliwanag ko. Oo alam niya ang katotohanang na hold-up ako, kaso 'yun nga lang, hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.


No matter what I say, he cant hear me.

No matter how much i try to scream, he'll never hear my voice.



END OF ONESHOT!

THANKS FOR READING!

Check out my full length stories and other oneshots! :) 

Hear me out | OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon