Prolouge

254 11 4
                                    

Jaki Gonzaga's POV

Wala pang alas-nuwebe ay nasa Showtime studio na ako dahil nanggaling ako sa UKG Studio, naimbitahan kasi kaming sumayaw ulit.Kadalasang sumasama sa'kin sa mga ganong ganap ay ang kaibigan kong sina Madc at Melvie.Hindi sila tumatanggi dahil talagang kailangan ng pera.Kahit naman kasi dancer kami at 6 times a week kaming sumasayaw sa Showtime ay ibig sabihin mayaman na kami, masasabi ko namang maginhawa ang buhay namin at kuntento na kami dun, but still we have to save money in case of emergency.

"Bunso, magrerehears na daw tayo.", sabi sa'kin ni Ate Madc at nilapitan ako.

"Magpapalit lang ako ng t-shirt tapos sabay na tayong pumunta sa studio.", tugon ko na tinanguan lang niya.

Pumasok ako sa CR na nasa sulok ng dressing room namin at nagpalit na ng damit.Paglabas ko ay ipinatong ko muna yung t-shirt na hinubad ko sa ibabaw ng backpack ko.

"Tara na.", aya ko sa kanya at lumabas na kami ng DR.

Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin ang ilang Hashtags.

"Good morning sa inyong dalawang binibini.", bati ni Ronnie at yumuko pa na parang prinsesa ang binabati niya.

Bahagya kaming napatawa ni Madc sa inasal ni Ronnie.

"Para kang timang R2, pero good morning din sa inyo.", balik na bati sa kanila ni Madc.

"Nga pala, sama kayo mamaya sa'min.", aya ni Zues.

"Saan?", tanong ko.

"Hang-out lang.Libre ni CK at Ryle.", sagot naman ni Jimboy.

"Anong meron?", kunot noo kong tanong.

"Wala lang.Nag-dare kasi kami non sa kanilang dalawa na manlibre naman.Kasama yung ibang hosts at Girltrends, pati ibang Hashtags.", sagot ni Ronnie.

"Inaya din namin yung ibang dancers, yung iba pumayag, yung iba naman may lakad na pala mamaya.", sabat ni Zues.

"Ah.Ganun ba?Ako okay lang, free naman ako e.Ewan ko lang dito kay Jaki?", sagot ni Madc sabay turo sa'kin.

"Jaki, pumayag ka na.Ilang beses mo na kaming tinanggihan e.", may halong pagtatampong sabi ni Ronnie.

Napabuntong hininga ako, as much as possible gusto kong iwasan si Tom.Masyado pa kasing masakit at sariwa pa ang sugat na iniwan niya sa'kin.Two days ago lang nakipag-break siya sa'kin dahil may bago na daw siya.I was so down that time.Halos gumuho ang mundo ko, lagi kong dinidistract ang sarili ko but I always end up seeing myself, alone and crying.Sobrang sakit kasi, hindi ko inakala na ganon-ganon lang niya itatapon yung pagmamahalan namin ng halos tatlong taon.

"Kasama ba si Tom?", nag-aalangang tanong ko.

Bigla silang natahimik at lumamlam ang mukha nila.I can see through their eyes na naawa sila para sa'kin.Lalo na si Ronnie, para ko na siyang kapatid e.Kung hindi nga lang niya kagrupo at kaibigan si Tom baka daw nabugbog na niya ito.

"Shit!Bakit ba hindi ko yun naalala?", nagpapanic na tanong ni Ronnie sa sarili niya.

I smiled sadly at them at umiling.

"Kayo na lang siguro, gusto ko muna siyang iwasan.Baka kung ano pang magawa ko pag nagkita kami e.", sabi ko sa kanila.

Nagsitanguan naman sila at malungkot akong nginitian.

"Huy!Para kayong mga timang!Okay lang ako.Smile na kayo.Wag niyo akong kaawaan.", natatawang sabi ko, pero deep inside para akong pinapatay.

"O siya, sige.Mukhang may rehearsal pa kayo e.Mauna na kami.Sana magbago pa ang isip mo Jaki.", sabi ni Jimboy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unconditionally YoursWhere stories live. Discover now