Chika Minute

6 0 0
                                    

*Shane's POV
Napaaga yata ako ng punta dito sa main campus ng school namin ah. Close din ang comlab na kung saan madalas tumatambay ang tropa namin, saan naba kasi sila? Hirap naman mapag-isa haaaist. Grabe ang dali lang ng panahon. Kamakailan lang nung Junior high school ako eh, ngayon senior na. Tsss bat ba kasi naabutan pa kami ng K-12 na yan, dapat sana 1st year college na ako ngayon eh. "Uyy dude!" panira trip ni Daisy sa'kin, pinaka close friend namin at partners in crime ni Zyn. "Parang seryoso ka naman ata makatingin sa mga newbie dito sa campus haha" dagdag niya. "Wala dude di parin kasi ako maka-move on na Grade 11 pa tayo na dapat sana college na haaay" sagot ko sa kanya. "Move on dude move on haha sarap kaya ng high school life. Teka saan na ba sila?" tanong niya. "Ewan, kanina pa nga rin ako naghihintay sa tropa ng mag-isa dito eh, buti nalang dumating ka" sagot ko naman. "Uyy mga bes, may assignment na kayo sa major?" Haay salamat nagsidatingan narin sila. "Hoy Charles last week pa yan binigay ni ma'am ah, haha pare-pareho nga tayo nito eh aasa lang kay Shane" sagot ni Clay kay Charles. "Sissy Shane inform mo kami pag may sagot kana ah?" Pagpapacute ni Clay sa'kin. "Hay naku sis, mabuti pa pumasok na tayo sa comlab para masagutan na natin" sabat ko naman. Tamang tama naman kasi nandito na si Sir D, open na ang tambayan namin sa wakas. "Guyz ang dami daw ng transferee lalo na sa Grade 10 my god, kilala nyo na ba yung boy from Cebu? Yung Allen Joshua daw? My god ang gwapo niya promise guys you've got to see him" chika ni Charles habang nagsusulat kami ng assignment. "Wala ka na bang ibang chika jan Charles? Hindi naman ata kami maka-relate Ni Jovie jan eh. Hay naku baklang to haha" sabat ni Ivan. "Oo nga part di tayo related jan haha" sagot din ni Jovie. "Eh kung ayaw niyong makinig edi mag-topic kayo ng mga issue na tumpak makakarelate kayo, hay naku problema ba yan?" Sagot ni Charles sa kanila. "Uyy relax men relax haha" sambit ni Ivan habang tawang-tawa sila ni Jovie. "Sino ba kasi yang Allen na tinutukoy mo Charles?" Sabat ni Kim. "Basta bes, sureball eh" sagot naman ni Charles sakanya. "Uyy turo mo sa'min ah?" Dagdag ni Bella. "Oh sure bes hihi" sagot ni Charles Kay Bella. Habang kami naman ni Daisy, Clay at Claire eh tahimik lang na nagsusulat ng assignment habang nakikinig sa kanila. Parang inaantok pa talaga promise. Tsk ba't ba kasi napaaga gising ko kanina hay naku. Buti nalang pala last period pa class namin walang mga teacher eh, kaya pwede pa magpahinga dito sa Comlab."Hi guysssss" nagulat naman kami sas Presidente ng bansa, kahit saang anggulo ang ingay talaga ni Zyn, yung tinutukoy kong closefriend namin ni Daisy kanina, oo presidente siya ng klase namin at vice-president si Ivan at officers din yung ibang ka-tropa ko. Oh diba ang astig? Responsable rin kasi sila kahit ganyan yan.

She's A MysteryWhere stories live. Discover now