Smitten

2 2 0
                                    

“Takbo na Luna!” Sigaw sa akin ni Ate Kira na manager ko. Agad naman akong tumakbo ng mabilis palayo sa nagkakagulong tao sa loob ng isang fast food chain na pinagkainan ko kanina. Sinuot ko na rin ang face mask ko para hindi ako makilala ng mga taong makakasalubong ko.

Tumigil ako sa pagtakbo nang medyo makalayo na ako. Natawa nalang ako sa ginawa kong pagtakas sa mga fans ko kanina. I'm a famous singer and my career is on its peak right now so hindi maiiwasan na bigla nalang akong pagkaguluhan sa labas. Ang hindi ko lang gusto sa ibang fans is that sometimes their getting violent just to touch or just to get a picture with me. Ayokong may nagkakasakitan na sila nang dahil sa akin. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

Bigla namang tumawag si Ate Kira na agad ko namang sinagot.

“Okay ka lang Luna?" Tanong n'ya agad sa akin. “You can't use our car right now, nasiraan. Ang dami ring nagkalat na fans mo dito. Mag ingat ka ha. Hindi na rin ako masyadong mag aalala kasi marunong ka naman ng martial arts diba?"

"I'm okay Ate. Mag uunwind lang ako ng konti tsaka gagala ng slight then uuwi na ko kina mama. Kaya ko na sarili ko Ate. Ikaw din ha. Ingat nalang ka sa pagdadrive. Alam mo naman address nina mama right?" I said.

"Of course. Love you little sis." she said and then ended the call.

Napangiti naman ako. After all this time, Ate Kira had always been with me. Mula nung naguumpisa pa lang ako ng career, hanggang ngayon. Ang dami na rin naming pinagsamahan kaya't tiwala na kami sa isa't isa. She's not my real sister pero ganun na ang turing namin sa isa't isa.

Naglakad lakad naman ako hanggang sa makarating sa isang maliit na mall dito. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nakakain ng maayos nang magkagulo kanina.

Mabilis akong umorder and luckily, wala masyadong nakakilala sa akin. Umupo ako sa lugar na 'di agad mapapansin ng ibang tao. Inilabas ko rin muna 'yung phone ko tsaka nag open ng Facebook account ko. And guess what kung anong sumalubong sa akin. 'Luna Flair spotted escaping on her fans.' Mayroon pa s'yang picture ko na tumatakbo palayo sa mga tao.

Kung ano anong comments din ang nabasa ko, from love comments to hate. May isa pa akong nabasang sagutan ng ilang fans and haters.

'Luna is also a girl. Adventurous and also want some break. Let her be. Don't judge her.'

'She shouldn't run away. Respeto naman sa mga fans n'ya. Para namang may gagawin silang masama kay Luna.'

'Of course she might get hurt. Aware naman siguro kayo kung gaano ka bayolente yung mga fans n'ya. Remember the incident before na nagkapasa s'ya?'

'Natural lang na mangyari yun. Duh? Sikat kaya s'ya!'

'Kailangan n'ya rin naman kasi ng privacy. Ayaw mo rin naman sigurong dumugin ka ng madaming tao habang kumakain diba? Hassle. Tsk.'

'Edi sana hindi nalang s'ya nagpasikat kung gusto n'ya ng privacy.'

'You really don't get my point, don't you?'

'Oh, shut up.'

I sighed. Being famous have disadvantages and one of those is that being judged and criticized by everybody even though they don't know anything. Gossips are everywhere. Every mistakes you do will always be noticed by them. Sinasanay ko na ring 'yung sarili ko na maghandle ng emotions dahil dito. Nakakaya ko naman pero bakit kaya sa kanya hindi ko mahandle 'yung feelings ko?

I just focused on my food and started to eat. Susubo na sana ako nang may marinig akong magsalita sa tabi ko.

“Pwedeng makiupo. Wala na kasing available seat.”

Totally SmittenWhere stories live. Discover now