Mahal ko siya, Wala nang kokontra!! [one shot]

565 18 13
                                    

Author’s note:

Hello po! This is my first one shot story na ipo-post ko.. actually first story na ipo-post ko ever..

Sana po magustuhan niyo!!

Just smile while reading this:-)

*Aira’s point of view*

“Bakla, bakit siya pa?” tanong ng friend kong si Georgina. “hindi mo ba alam na bawal yun?” dagdag pa niya.

Sa kalagayan ko ngayon, para akong ini-interrogate ng mga pulis dahil sa isang mabigat na krimen. Pero ang totoo lang niyan, eh naamin ko ng di-sinasadya kung sino ang lalaking minamahal ko.. Hindi ko talaga napigil ang bibig ko. Kasi parang sasabog na ang puso ko kapag itinago ko pa. kaya I let it all came out from my mouth, para medyo gumaan namam ang pakiramdam ko.

“matagal na akong may gusto sa kanya. Pero lalo ko pa siyang minahal ng ipinagtapat niya sa akin na mahal niya rin ako.” –sabi ko kay Georgina. “bakla, alam kong hindi tama, pero hindi ko kayang balewalain ang pagmamahal niya para sa akin.” –ipinagtanggol ko pa ang nararamdaman ko para sa taong yun.

[A/N: hindi sila mga bakla. Mga tunay na babae po sila at tawagan lang nila yung bakla]

“Aira hindi naman masamang magmahal, pero bakit sa dinami-dami ng lalaking pwede mong magustuhan eh siya pa?.....

Bakit si Sir Joaquin pa?” –tanong ni Monna. Halatang hindi nila matanggap na nagmamahalan kami. Kaming dalawa ni Sir Joaquin.

Oo, mahal ko at mahal ako ng MAPEH teacher ko. Si Sir Rom Nick Joaquin Jr. ang kauna-unahang minahal ko ng todo.

Pero bakit ganon, minsan na nga lang ako magmahal bawal pa?!

Kaya ko pa sanang pigilan ang pagmamahal ko para sa kanya. Pero nung inamin sakin ni Sir ang lahat, hindi ko na naiwasang mahulog ang puso ko sa kanya.

*FLASHBACK*

2:00 p.m. na at nag-dismiss na si Sir Joaquin

Pabalik na kami ng Home room namin, pero biglang may sinabi si sir.

“bumalik na kayong lahat ng room puera kay Aira. Aira, maiwan ka munang sandali.” –sabi ni sir Joaquin

Hindi ako sumagot, kasi naiinis ako kay Sir. Hindi lang basta inis, kundi nag-seselos ako!

Nag-seselos ako kasi laging na kay Sharmaine ang atensyon niya. Palagi na lang niyang pinapansin si Sharmaine, alam ko naman na malaki ang lamang sakin ni Sharmaine dahil maganda siya. Pero bakit lagi na lang siya!? At ako? Pano naman ako?! Ni minsan hindi niya ako kinausap ng lalagpas sa 1 minute eh! Umiiwas pa lagi sa akin si Sir,.. Alam kong wala akong karapatan, pero inaamin ko na selos na selos ako sa kanilang dalawa.

“Aira, halika dito. May gusto lang akong itanong sayo…” –sabi ni Sir. Pinalapit pa niya ako sa table niya.

“ano po ‘yon, sir?” –tanong ko sa kanya. Medyo ipinapakita ko sa kanya ang pagkainis ko, hindi ako tumitingin sa kanya, at low voice lang ako.

Mahal ko siya, Wala nang kokontra!! [one shot]Where stories live. Discover now