Hindi Kita Iiwan

16 1 0
                                    

"Ang palo na'to ay para sa'yo". Ito ang nasa isip ko habang nakatingin ako kay Sam. Ngumiti s'ya sa akin mula sa mga bleachers. Sa tinginan, naguusap kami.

"And another point from Red Acers!". Sabi ng commentator.

Nakita ko ang mga ngiti sa mga mata n'ya na tila bang tuwang-tuwa dahil sa pag-iskor ko. At napangiti na din ako sa loob-loob ko.

S'ya ang lakas ko. Bestfriend, ate, confidant, nanay at girlfriend. Taga-gawa ng project, teacher, masahista. All in one. I couldn't imagine my life without her.

"Bakit kasi ayaw mo ng Volleyball?". Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko lang talaga hilig.". Sabi n'ya sa akin.

Ang ganda talaga ng mga mata n'ya sa isip-isip ko. Nakakatunaw. Nilapitan ko si Sam habang nagta-type sa laptop sa kama. Niyakap ko s'ya sa likod sabay patong ng baba sa kaliwang balikat n'ya.

"Ang bango mo talaga, 'no?. Bulong ko sa kanyang tainga.

"Kakaligo ko lang." sambit n'ya

"Ang sungit naman ng babe ko." Sabi ko.

Bigla s'yang humarap sa akin at yumakap ng mahigpit. Tumagal ng ilang saglit ang pagkakayakap n'ya.

"I love you, babe." Aniya.

"I love you too, babe." Sagot ko.

"'Wag mo akong iiwan, ah?" Pagtatanong n'ya.

Tinanggal ni Sam ang pagkakayakap n'ya sa akin at tsaka ito humalik sa aking noo.

"Oo, hindi kita iiwan." Paninigurado ko.

Para sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon