Holdap 'to

23 3 6
                                    


Malapit ng mag-bagong taon, nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay. Maraming tao sa paligid, lahat sila may kasamang pamilya o barkada. Hay. Kung okay lang sana kami ni Mama.

Nasa pinakalikurang parte ako nakaupo, 'yong ibang nasa harapan ko, sa damuhan naka-pwesto, mga may blanket na dala pati pagkain.

---

Isang minuto na lang, isa-isa na silang tumatayo kaya tumayo na rin ako. Nag-aabang ng makukulay na paputok na sumisimbolo sa panibagong taon na darating.

---

"Ten..."

Kasabay ng pagbibilang nila ay, pinikit ko ang aking mga mata para magdasal at humiling sa Kanya.

Lord, sana po maging okay na kami ni Mama.

"Seven... Six... Five..."

Makisama po sana sa'kin ang utak ko para pumasa na'ko sa mga exams.

Minulat ko ang aking mga mata, napangiti ako kasabay ang pag-ilaw ng kalangitan at ang maingay na kapaligiran. Nang bigla na lang pumatak ang isang eroplanong papel sa aking harapan na aking ikinagulat, lalong lumawak ang mata 'ko sa paglapat ng labi ng isang estranghero sa aking pisngi.

Gulat na gulat ako sa nangyari at tumingin sa aking kaliwa para makita ang isang nakakalokong ngiti ng isang lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya, sinigawan ko na lang siya.

"Pitung-puting-tupa't kabayo! Hoy lalaki! Sino ka? Ha?" hindi ko namalayang may namumuo na palang mga luha sa'king mga mata.

"Oy, miss, sorry." napalitan ang ngiting nakapaskil sa mukha ng lalaki ng pag-aalala. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao kaya hinila niya 'ko palayo sa lugar na 'yon.

Nagpahila ako, pero mas maiging sabihin na kinaladkad niya 'ko paalis kaya ang sakit ng paa ko, pagkarating namin sa sidewalk na malapit lang sa park.

"Sino ka ba! Ha!"

"Noel. Okay na?" mahinahon niyang sabi at pinunasan ang luha ko. Tinampal ko ang kamay niya at naupo ako sa gilid ng kalsada.

"Ba't mo ginawa 'yon?" tanong ko na nakayuko ang ulo.

"Umiiyak ka kasi."

"Pilosopo." mahinang sabi ko.

"Ah, 'yong kiss? Natalo kasi ako sa laro namin ng mga kabarkada ko. May parusa, kung sa'n magla-landing ang eroplano, hahalikan ko."

"Sa sahig la-landing 'yon 'di ba?" interesadong tanong ko na nakayuko pa rin.

"Ayaw kong halikan ang sahig, mas okay ng halikan ang isang babaeng nag-iisa sa pagsisimula ng bagong taon."

Doon kami nagsimula. Nagsimulang maging mag-kaibigan kasi ilang metro lang ang layo ng bahay nila sa'min. Matapos pati ng insidenteng 'yon ay naging close ko na ang mga kabarkada niya. Panay pa nga ang paghingi ng paumanhin ng mga kolokoy kapag naaalala nila, na lagi ko rin namang sinasabing, "Okay lang, tapos na 'yon."

Mas lalo ko siyang nakilala no'ng minsang nag-away kami ni Mama.

"Ikaw na bata ka! Anong ginagawa mo sa school, ha?! Pinalaki ka namin ng matino ng Papa mo! Ta's mababalitaan ko na lang na puro lalaki ang kasama mo roon!? Grounded ka! Isang buwan, lagi kang sasabay kay Rhian, paglabas at pagpasok ng school."

Hindi ako nakasagot. Wala akong maisagot kasi, kay Ate Rhian na nanggaling ang balita.  Pinsan ko na pinag-aral ni Mama ng pagiging guro no'ng college. Naging teacher ko na siya noon, ayos naman kami kaya lang minsan nawawalan na 'ko ng oras magkwento sa kanya kaya siguro maling balita ang nai-kwento niya kay Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love as told by no one #RomancePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon