Chapter 1

103 0 0
                                    

Chapter 1

MEET

"Oh, what's happening na?" natatawang sabi ni Karla habang umiiling. Maybe she's already tipsy, kaya yung mga mata niya ngayon ay pumupungay na. Inirapan ko siya at muling ininom ang huling shot ko. Humiyaw naman ang barkada sa ginawa ko, naka 27 shots kasi ako. Kaya ko gawin na mas higit pa diyan kaso yan lang dare nila.

"Tss, uwi na ako." usal ko. "Luh, bakit? Ang aga-aga pa kaya." tumingin agad siya saakin na may halong pagtataka na tanong ni Jake ang kaibigan kong lalake pagkatapos ay uminom ulit siya ng vodka na hawak niya.

Tumayo na lamang ako at nakipag beso sa mga kaibigan ko at yung iba naman kinawayan ko na lamang bago umalis sa bar. Habang nag aabang ako ng taxi ay may kumalabit saakin, paglingon ko si Vanessa lang pala. May binigay siya saakin na papel.
"Ayan nga pala yung address nung costumer mo," sabi niya saka umalis. Si Vanessa ay isang hindi ko ka-close na kaibigan  pinakilala lamang siya na isa kong kaibigan na si Cherie kaya naman nagkakilala kaming dalawa.

Maya-maya pa ay may may taxi'ng tumigil sa harap ko, binuksan ko yong pintoan ng taxi at sumakay. "Sa Cremsie Subdivision lang po."
Sabi ko, atsaka umandar yung taxi.

Habang nakatingin ako sa kalsada at binibilang ang bawat poste at puno na aking nadadaanan ay kinakabahan naman ako. Na hindi  ko alam ang dahilan hindi ko na lang pinansin iyon ang importante ay makapera ako ngayong araw.

Nang maramdaman ko na tumigil yung  taxi ay agad ko binuksan yong pinto at lumabas na. Sa subdivision na ito ay merong Guard House na kung tawagin na kung saan ay bago ka papasok tatawagan muna nila yung taong makakausap mo para siguraduhin nilang kilala ka nila. Ganon ka safety ang subdivision na ito.

Nang makalapit na ako sa Guard House ay may dalawang guwardia na nag babantay roon.

"Kuya..." Lumingon sila'ng dalawa.

"Oh, ano po yun Miss?" Bumaling saakin yung isa.

"Nandito po ba nakatira si Mr. Valencio?" Tanong ko habang nakatuon yung mga mata sa papel na hawak ko.

"Opo ma'am. Ano po ba kailangan nila?"

"Ah... Bisita nya ako." Ngumisi ako sakanya habang kinakabahan.

Tumango yung kasama nya, "Sige. Tawagan mo na si Mr. Valencio." Usal nya sa kasama nya kinausap ako kanina.

"Magandang gabi, sir. May naghahanap po kasi sainyo dito... Opo sir, babae." At tinignan ako "Ma'am, ano pala pangalan mo?" Tanong nya.

"Zairie." Ikli ko'ng sabi.

"Zairie daw po sir... Opo sir. Sige po." At binaba na nya ang telepono.

"Susunduin ka na lang po daw nya rito ma'am."

Tumango ako. "Uh... Sure. Pwede naman ako mag-antay."

Makalipas ang dalawang minuto ay may sasakyan na itim ang nakita ko at tutok pa saakin ang ilaw ng kanyang sasakyan. Hindi ako manlang ako natinag.

Tumigil sya at umaandar pa rin ang makina non at pati ilaw. Nakita ko'ng lumapit yung guard sa driver kung sino man iyon. Bumaling saakin yung guard at lumapit.

"Ma'am sumakay na daw po kayo sa sasakyan at sa harap daw po kayo umupo."

"A-ah... Sige po. Salamat."

Nagmamadali kong binuksan ang pintoan at sumakay hindi ko tinignan ang driver dahil may kuryente agad dumapo sa buo kong katawan.

Kumalma ako sa amoy ng sasakyan na ito pinaghalong strawberry at orange ang amoy nito. "So... You're name is Zairie right?" Lalake na lalake na tanong nya. Lumunok ako bago sumagot.

"Y-yup."

Atsaka na ito umandar.

Tumigil kami sa tapat ng bahay na may mataas at maganda na gate at may mga halamang buhay na buhay. 

Naramdaman ng presensya ko na nakatitig siya sa'kin  kaya naman bumaling ako sakanya.

Gwapo, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, clean cut, perpekto ang mukha at mabango hindi iyon nakakahilo sa loob ng kotse lalo na may pinaghalong strawberry at orange ang amoy nito.

Hindi nagtagal ang titig  ko sakaniya at yumuko na ako dahil masyado akong nalulunod. Nalulunod sa mga mata niyang namumungay.

Lumabas na siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Sa tingin ko ay nasa 30 years old pa lamang siya. At sa tingin ko rin ay galing siya sa trabaho dahil sa suot niyang longsleeve. Kitang-kita mo sakaniya ang pagka disenteng suotan at may paninindigan.

Pagkababa ko sa sasakyan ay binuksan niya ang pinto at tumambad saakin ang sahig na napaka linis na animo'y hindi mo pwede tapakan at chandelier na may pakinang kinang pa. Medyo napanganga ako ngunit hindi ko iyon pinahalata.

Tumutunog ang kanyang sapatos na may unting takong kaya naman talagang hindi ka pwede na hindi mapatingin sakaniya. Sinusundan ko lang siya at nandito na nga kami sa second floor ng bahay. Binuksan niya ang pinto ng silid at pumasok, pumasok na rin ako. Malinis ang kwarto kulay abo ang dingding  at ang nagsisilbing liwanag lang ay ang lamp shade na katabi ng kama. Meron ding sofa doon na kulay pula. Iyon lang ang laman ng kwarto.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto. Nakatalikod siya saakin tinatanggal na niya ang kanyang mga butones at hinubad iyon. Tumambad saakin ang tattoo niyang dragon sa likod medyo malaki ang tattoo niyang iyon. Nagbubuga ang dragon ng apoy na kulay pula. Ang ganda lang pangmasdan dahil sa likod niyang malapad at bagay sa kulay niyang maputi.

Lumingon siya sa'kin kaya naman agad akong yumuko. Naramdaman kong dahan-dahan siyang lumalapit saakin. At inangat ang ulo ko para tumingin sakaniya.

"Natatakot kaba?" Namamaos niyang tanong. Ano ba to? Pati hininga ang bango. Hindi paba siya nakain? Nahihiya naman ako sa hininga kong amoy alak.

Hindi ako tumitig sa mata niya, nakatitig ako sa labi niyang kasing pula ng mansanas.

"Hindi po ako natatakot. Bakit naman ako matatakot?" Matigas kong sabi sakaniya.

ngumisi siya. "Really?" Atsaka siya tumalikod saakin. Tinanggal niya ang suot niyang relo at inilagay niya 'yon sa tabi ng lamp shade, at umupo siya sa kama na nakayuk at pinatong niya ang dalawang siko niya sa kanyang hiya.

"Magsisimula na ba 'ko?" Malandi'ng tanong ko sakaniya.

Zairie's KnightWhere stories live. Discover now