My Husband is an Emperor 1

5.6K 97 1
                                    

NAGPAKASAL kami ng Emperor, dahil sa angkin kong husay manggamot. Kaya kong pagalingin ang mga taong nakakaramdam ng sakit, at maging ang lason na siyang madalas gawing patibong ng kalaban ay kaya kung gamutin. Sa pamamagitan lang nang pag-amoy ko ay natutukoy ko na ang tamang gamot na makakapag-alis ng lason. Isang dahilan kung bakit ako ang piniling pakasalan ng Emperor ay dahil sa lihim nitong sakit na paminsan-minsan siyang sinasalakay. Ilang taon ang nakalipas nang magkaroon ito ng marka sa katawan. Marka na nanggaling sa nakalaban ng kaniyang pamilya. Markang nakakonekta sa puso niya na ano mang oras ay aatakihin siya ng lasong nakatanim dito.

Ako si Emperatris Yeng Do, asawa ni Emperor Rhizhi Do. Sa mga araw na pagsasama namin ng Emperor, walang nagaganap sa amin. Ito ay dahil sa hiling kong hintayin munang maging handa ako sa lahat bago kami magsanib at ibigay ang pagkababae ko. Nagsasama kami ng Emperor na walang pag-ibig na pinagmulan. Bagkus natuklasan ko na lang sa sarili ko na isang araw ay nagseselos at nagtatampo na ako sa tuwing may ibang kausap na babae ang asawa ko. Sino ba ang hindi mahuhumaling sa angking kaguwapuhan ng Emperor? Siya ang pinakaguwapong nilalang, niluluhuran at nirerespeto ng buong bayan. Siya rin ang pinakamagaling humawak ng espada, sibat at kung anu-ano pang armas na ginagamit panglaban sa masasamang loob. Sa rami niyang talento, napakarami ring naiinggit at galit sa Emperor. Kaya hindi malalaman sa loob ng palasyo kung sino ang kalaban. Malakas ang pandinig, mabilis ang pangdama at matalas ang mga mata ng Emperor. Protektado ako pagkatabi ko siya, pero kahit na gaano pa siya katalino at kagaling lumaban may papatay at papatay pa rin sa kaniya. Ito ay ang sakit na lumala na habang patagal nang patagal. Dahil sa mga senyales na nakikita at nararamdaman ko sa Emperor, lihim kong inalam ang sakit nito. Isang sakit na walang lunas at wala pang nakakatuklas ng gamot, kaya habang lumilipas ang panahon patuloy lang ang pananaliksik ko upang makuha ang tamang lunas para sa mahal kong Emperor.

Pero habang isinasagawa ko ang mga bagay na iyon, unti-unti kong nararamdaman ang kahalagahan ng relasyon. Kung gaano karami ang humahanga sa kaniya, ganoon din karami ang naiinggit at humahadlang sa amin. Pero dahil sa asawa ko na ang Emperor, may karapatan pa rin akong ipagdamot ang asawa ko sa mga babaeng gusto siyang angkinin. Pakiramdam ko nakakaawa ako dahil ako lang ang nagmamahal sa Emperor. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan, iyon ay dahil sa ako ang sagot upang gumaling siya sa kaniyang sakit. Kaya naman minsan, naglalasing ako at sumasama sa kaibigan kong lalaki sa labas ng palasyo. Dahil sa selos ko sa babaeng nakikipagmabutihan sa Emperor ay muli akong lumabas ng palasyo upang makalimutan pansamantala ang problema, uminom kami ng alak ng kaibigan kong lalaki. Matapos kong malasing ay hinatid niya ako sa palasyo. Hindi ko na makontrol ang sarili ko dahil sa sobrang lasing. Nakita ko na lang na galit na galit ang Emperor na sinalubong ako sa pintuan at inagaw ang kamay ko sa kaibigan kong lalaki. Napasubsob ako sa kaniyang dibdib kasabay noon ay ang pagbabanta ng Emperor sa kaibigan ko na huwag na niyang makikitang muli ang pagmumukha nito, kundi papatayin niya ito. Hindi natakot ang kaibigan ko, bagkus ngumiti pa ito dahil nakikita nitong nagseselos ang Emperor sa unang pagkakataon. Binuhat ako nito papasok ng palasyo at ibinaba matapos naming makarating sa loob. Doon kinompronta ako nito kung bakit ako naglasing at bakit may kasama akong lalaki. Pero mas nagalit ako sa kaniya dahil nakukuha pa niyang magtanong sa kabila nang ginawa niyang pakikipagmabutihan sa ibang babae. Pinaghahampas ko siya sa dibdib at nagsisigaw kaya nagambala ang buong palasyo, dahilan upang magsipaglabasan ang mga tagapagsilbi at kapatid nitong kasalukuyan na sanang magpapahinga. Pinigilan nito ang pagtatalo naming dalawa. Kasama roon sa mga nakasaksi ay ang babaeng labis kong pinagseselosan. Nanlilisik ang matang tiningnan ko ito ngunit tinaasan lang ako nito ng kilay. Dahil sa nangyari napailing na lang ang Emperor at naisipan na nitong tumalikod upang pumasok sa aming silid. Pero bago siya maglakad ay inutos nito sa mga tagasilbi na painumin ako ng gamot at punasan ng katawan upang mahulasan ako, bago ito tuluyang tumalikod at maglakad palayo. Pero nakita kong sumunod sa kaniya ang babaeng lubos kong pinagseselosan, siguro ay dadamayan nito dahil sa pagtatalo na naganap sa amin. Hindi ako pumayag na makasunod ito sa mahal na Emperor, hinabol ko ang babae at kinabig ko ang kaniyang balikat dahilan upang mapahinto ito sa paglalakad.

"He's mine!" sigaw ko rito,

Napalingon ang Emperor sa amin kaya muli kong tinakbo ang daan palapit sa kaniya. Nagulat ito sa ginawa ko kaya hindi na ito nakakilos nang bigla na lang akong dumamba sa kaniyang harapan at siilin ko siya nang halik sa labi. Nasaksihan ng lahat ang ginawa ko, kaya nagulat ang mga ito at ang iba ay kinilig pa sa ginawa ko. Habang ang Emperor ay nanlalaki ang matang nakatayo lang, hindi nakagalaw sa ginawa kong eksena. Matapos nang halik na iyon ay bumaba ako at niyakap ko siya, sabay sabing...

"Gusto ko ng baby... halika gagawa tayo ng baby!" saad ko sabay hila papasok sa silid namin.

Narinig ko pa ang sigawan ng mga ito na parang nagbubunyi sa mga sinabi ko.

Pagdating sa silid ay itinulak ko ang Emperor sa kama namin. Pero pinipigilan niya ako dahil sa nakainom ako at baka hindi ko alam ang ginagawa ko. Pero hindi ako pumayag, naghubad ako mismo sa harapan niya at nakita nito ang kabuoan ko. Napalumod laway ang Emperor, lalo na nang patungan ko ito ay hindi na nito nagawa pang kumilos. Nang nasa ibabaw ako nito'y hindi na ako makagalaw, nahihilo ako at hinahatak nang antok ang aking mata. Pero isang salita ang huli kong nasabi bago ako makatulog.

"Ayokong nakikipagmabutihan ka sa ibang babae! Lalo na kay Chin!" bulong ko rito,

"Bakit? Bakit ka ba nagkakaganiyan?" tanong nito sa akin,

"Kasi... kasi..." Hindi ko na nasundan pa ang salitang iyon dahil nakatulog na ako.

Kinabukasan naaalala ko lahat ang nangyari sa amin kagabi. Sobra akong nahihiya sa Emperor kaya naman lihim akong tumakas at lumabas ng palasyo. Muli akong nakipagkita sa kaibigan kong lalaki. Kumakain kami sa labas ng mga oras na iyon nang bigla na lang magsipagluhuran ang mga tao sa paligid namin. At nagulat ako nang makita ko na lumabas ng palasyo ang Emperor para lang hanapin ako. Kasama nito ang mga kawal kaya naman nakatawag agad ng atensiyon ito sa mga mamamayan na naroon.

Agad na tinutukan ng mga kawal ng espada ang kaibigan kong lalaki kaya bigla akong napatayo at pinigilan sila.

Pero galit na nagsalita ang Emperor, at sa himig nito ay tila pinagbabantaan ang lalaki.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong ayoko nang makikita ang pagmumukha mo?" mariin ang boses na sabi ng Emperor.

Ngumisi ang kaibigan ko bago nagsalita. "Ikaw ang lumabas ng palasyo, kaya hindi ko kasalanan kung bakit muli mo akong nakita. Bakit? Ano bang problema mo sa akin at parang may galit kang nararamdaman?" tanong ng kaibigan ko sa Emperor.

Hindi nakaimik ang Emperor, pero napatingin ito sa akin. Tila nahihiyang aminin ang dahilan kung bakit siya lumabas ng palasyo para lang hanapin ako.

"Wala kang karapatan na tanungin ako!" Isang maawtoridad na salita ng Emperor dahilan upang saktan ang kaibigan ko ng kaniyang mga kawal. Kaya sa takot kong baka mapatay ang kaibigan ko ay kinompronta ko na ang Emperor.

"Ano bang problema mo ha? Bakit ka ba na rito?" galit na tanong ko sa kaniya,

"Tinatanong mo kung bakit narito ako? Nakikita mo ba ang ginagawa mo? Asawa kita pero narito ka kasama ang lapastangan na iyan?" anito sabay baling sa kaibigan ko na may sugat sa balikat.

"Ha? A-anong sinasabi mo? Na-nagseselos ka ba?" nauutal na tanong ko sa kaniya, pero imbis na sagutin ang tanong ko'y iba ang sinabi nito. "Umuwi ka ngayon din!" pagkasabi noon ay naglakad na ito paalis sa harapan ko, kaya sumunod na ang mga kawal nito at nilisan ang lugar.

Matapos kong gamutin ang kaibigan ko ay bumalik agad ako ng palasyo. At mukhang galit na naman ang Emperor dahil natagalan ako sa pag-uwi. Masama ang tingin nito sa akin kaya inunahan ko na siya nang galit.

"Ikaw pa ngayon ang magagalit, sinaktan mo ang kaibigan ko tapos ikaw pa ang ganiyang makaasta? Ano bang problema mo ha?" dinuro ko pa siya dahil sa galit na naramdaman ko sa ginawa niya.

Imbis na tumugon 'to ay hinawakan nito ang kamay ko at hinila akong bigla palapit sa kaniya. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Hindi ako nakakilos, bagkus natulala pa ako at unti-unti kong naibaba ang kamay ko na kanina lang ay nakaduro sa kaniya.

Matapos ang ginawad na halik ng Emperor ay nauutal akong nagsalita.

"Pa-para sa-saan iyon?"

"Lasinggera ka na, manhid ka pa!" Tumalikod na ito at iniwan na akong mag-isa. Napakapit ako sa labi ko at muling dinama ang halik ng Emperor. Napangiti akong bigla, at nagtatalon sa sobrang saya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband is An Emperor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon