Di pa nga tayo nagsisimula..

3 1 1
                                    

Di pa nga tayo nagsisimula, Nagpapaalam na ako.

Hindi dahil sa masyado akong nagmamaganda, O
dahil sa ayoko sayo.

Di pa nga tayo nagsisimula,
Tapos na tayo.

Hindi ito dahil sa mga click na palabas sa movie na mayaman ka at Mahirap ako.

Di pa nga tayo nagsisimula,
Iiwan mo na ako.

Hindi ito dahil sa niloko kita O, Niloko mo ako. Sana ganun na nga lang.

Di pa nga tayo nagsisimula,
Magpapasalamat na ako.

Hindi dahil sa pisikal na regalo na natanggap ko  mula sayo, kundi sa mga aral o leksyon na paniguradong mababaon ko sa susunod na yugto ng aking buhay.

Di pa nga tayo nagsisimula,
Napaiyak mo na ako.

Hindi dahil sa galak, kundi sa kalungkutan.

Di pa nga tayo nagsisimula,
Marunong na akong magselos.

Hindi dahil sa may karapatan ako, pero yun na nga eh. Wala nga pala akong karapatan dahil hindi ako siya.

Di pa nga tayo nagsisimula..
.........
....
Wala palang magsisimula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The EndWhere stories live. Discover now