"Blaster, I'm Pregnant"

95 4 5
                                    

Crystal.

It's been a week since delayed ako ng period. Palagi na lang akong nahihilo at nasusuka sa trabaho, akala ko normal lang ito. Akala ko magkakasakit lang ako pero hindi pala, dahil buntis ako, pitong linggo na.

Kailangan 'tong malaman ni Blaster ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, hindi pa ako handa.

"Take care Miss Jobli, okay? Iwas sa mga bawal and pati na rin sa stress para 'di makasama sa baby" the doctor advised.

I nodded my head and stood up.

"Tara?" tanong niya.

"Tara na" saad ko at dumiretso na kami sa isa pang room sa hospital.

Nanlalamig ang mga kamay at nangangatog ang mga paa ko habang naghihintay sa proseso.

"If you're not yet ready, we can come back here tomorrow" saad niya.

Umiling lang ako at pilit na ngumiti.

"Kakayanin ko 'to" sagot ko.

He caressed my hand with his thumb and smiled.

"Kain na muna tayo? Don't think about it too much" he suggested.

Tumango na lang ako. May malapit lang rin namang Jollibee dito kaya pumayag na ako.

"What's on your mind right now?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako.

"Whatever happens, that baby is a blessing. Alagaan mo 'yan at ang sarili mo" sagot niya.

Ngumiti lang ako.

Sa totoo lang, sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya dahil kahit sa kabila ng lahat ay andiyan pa din siya at hindi niya ako pinapabayaan kapag kailangan ko siya.

Pagkatapos ng isang oras ay bumalik na kami sa hospital para kunin ang mga papeles.

"Hatid na kita after nito" giit niya.

"Sure, thank you so much" sagot ko.

Isang malawak na ngiti lang ang inibalik niya.

"Kahit ano mangyari, susuportahan kita" dagdag niya pa.

"Salamat. 'Wag mo muna sabihin kay Blaster, please?" pagmamakaawa ko.

He nods.

"Alam ko" sagot niya.

May lumapit na nurse sa amin at ngumiti.

"Nurse Jobli? Eto na po 'yung result. God bless and congrats sa baby!" bati ng kapwa kong nurse.

Nailang akong ngumiti at kinuha ang papel na 'yon.

"Sa sasakyan na natin tignan ang resulta" sagot niya.

"Sige. Salamat bff!" sagot ko at napaiwas na lang siya ng tingin.

Pagkapasok namin ng sasakyan ay agad kong binuksan ang papel.

Pareho kaming napabuntong hininga.

"Desisyon mo pa din kung ano ang gusto mo para sa bata" sambit niya.

Isinara ko ang papel at itinago sa aking bag.

Nagsimula na siyang magdrive.

Aish, traffic!

"Matulog ka na muna, gigisingin kita 'pag nasa condo mo na" giit niya.

Tumango ako at nagsalpak ng earphones sa tenga ko bago pumikit.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Jul 30, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

"Blaster, I'm Pregnant"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz