Bizarre

51 8 1
                                    


Have you ever felt the need to have someone you can lean on? Someone who can listen to all of your rants and dilemma in life. Someone who can make you feel better. Someone... you can trust.

1 unread message

If you do...

Gatebook: Good morning! :)

For sure nasubukan mo nang gamitin ang trending dating site na Gatebook. This is an app where depressed and anxious people go. And eversince I used this app, lagi na akong masaya at nakakalimutan ang problema.


Karenina: Hi goodmorning! :)


Nakangiti akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto dala-dala ang cellphone ko. I really couldn't live without it, madalas nga akong napapagalitan ni Mama dahil mula umaga hanggang madaling-araw ay hindi na naalis ang paningin ko sa phone ko.


But she doesn't understand


Uupo na sana ako sa hapagkainan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Excited ko itong kinuha sa bulsa at binasa.

Gatebook: Kumain ka na?

''Yun lang ang nakasulat pero nag-uumapaw na agad ang kilig ko. Hindi ko namalayang nakaupo na pala ako habang nakangiting kumakain ng tinapay.

Karenina: Ito kumakain na, kagigising ko lang actually. Ikaw?

Gatebook: Kumakain pa lang rin ako :D


"Karen,"

Karenina: Sabay lang pala tayo


Gatebook: Let's meet, Karenina. Para sabay na talaga tayong kumain. I'll treat you your favorite dish ;)



"KAREN!"


Mabilis na nawala ang mga ngiti sa aking labi sa kagimbal-gimbal na sigaw ni Mama. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko namalayang naagaw niya na pala ang cellphone sa aking kamay.

"Ma! Akin na 'yan!"


"No. Alam mo namang bawal kang gumamit ng cellphone, 'di ba? Anak, just listen to me please," Her voice pleading.

"No! Give it back, Ma. Promise lalabas na ako kasama ang mga kaibigan ko mamaya. Just give it back, please..." Pagmamakaawa ko. Hindi ko pa narereplyan si James, baka nag-aalala na 'yon.

"Not until you fix yourself."

Katulad nang utos ni Mama ay nag-ayos agad ako pagkatapos kong kumain. Para wala nang masabi ay nilinis ko na rin ang kwarto ko. Ginawa ko na ang lahat ngunit hindi niya pa rin binabalik sa'kin ang cellphone ko.

Kinuha ko ang wallet ko sa drawer at sinimot ang natitirang twenty pesos na naroon. Naisipan kong pumunta na lang sa computer shop. Sigurado akong nag-aalala na sa 'kin si James.

Tahimik akong lumabas ng bahay at nang makarating sa shop ay agad akong nag-online sa gatebook. Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking account ay sinalubong na agad ako ng messages ni James.

Bizarre #makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon